CELTICS DINALAWAHAN NG BULLS

By

BOSTON — Umiskor si Jimmy Butler ng 22, kinapos ng isang rebound si Rajon Rondo para sa triple-double, at kinubabawan muli ng Chicago Bulls ang Boston Celtics, 111-97, Martes ng gabi.

Nanggugulat ang No. 8 seed na Bulls dahil 2-0 na sila laban sa No. 1 seed sa Eastern Conference. Tinapos ng Chicago ang regular season sa 41-41 record.

“I’m not surprised because everybody’s so locked in right now,” wika ni Butler na nagdagdag ng eight rebounds at eight assists.

Tumapos si Rondo ng 11 points at 14 assists, lahat ng Bulls starters ay umabot sa double figures. Nagdag­dag si Dwyane Wade ng 22 points, 16 dito sa second half. May 18 points at eight rebounds si Robin Lopez.

Lilipat ang Game 3 Biyernes sa Chicago.

Lumamang ang Bulls, 43-38, sa rebounds.

May 20 points si Isaiah Thomas sa Boston.

Dumikit sa 91-82 ang Celtics sa kaagahan ng fourth bago nagkasa ng 14-4 run ang Bulls para pabukahin ang lamang sa 19.

Naigapos ng Celtics si reserve Bobby Portis sa Game 2 matapos manalasa ng 19 points off the bench sa Game 1. Pero umekstra si Paul Zipser sa Game 2, tumikada ng 16 points sa loob ng 29 minutes.


SHARE
Previous articleGENESIS 1:3
Next articleGinilitan, kinatay sa selos