‘Cash cows’

By
368

Napapanahon nang mawala ang mindset o pagtingin sa overseas ­Filipino workers (OFWs)­ na para bang gatasang ­baka lalo na ng kani-kanilang mga kamag-anak.

Hindi naman kasi pinupulot lang ng OFWs sa abroad ang perang ipinapadala nila sa kanilang pamilya kung kaya hindi naman sila dapat ituring na “utangan ng angkan”.

In fact, marami sa ­OFWs ang baon sa utang at mayroon sa kanila na kulang na lang ay magdildil ng asin o magtiyaga na laging hotdog ang ulam para maka-survive.

Sob, success stories

Yes, you got it right — para maka-survive. Bagama’t marami rin namang success stories sa hanay ng OFWs, mas marami ang hindi nakakaipon matapos magtrabaho sa abroad ng 10 hanggang 20 taon.

Let’s not forget na hindi naman napakalalaki ng suweldo ng maraming OFWs lalo na kung ikukunsidera ang kanilang cost of living, mga utang na binabayaran at mala­king gastusin ng pamilya sa Pilipinas.

Karaniwan nang maka­rinig tayo ng mga kamag-anak ng OFWs na nagsisintir kapag ­hindi napapautang sa pag-aakalang­ natutulog sa pera ang OFWs at nagdaramot lang.

Illusion

Illusion lang, dear readers, ang kaisipan na kapag OFWs ay malaki ang suweldo, can-afford, nabubuhay sa luho at ma­laki ang pera sa bangko.

It doesn’t help na marami sa OFWs ang kulang sa financial literacy­ upang i-manage ang kanilang finances kung kaya nabubuhay sila ng payday-to-payday.

So, sa mga kamag-anak ng OFWs, isipin na baka mas wala pang pera ang gusto ninyo utangan kaya ‘wag sasama ang loob kung matanggihan.

Say ‘No’

Sa mga OFW naman,­ learn to say “No” sa ­extended families na ang tingin sa inyo ay ATMs at walang ginawa kundi ang mangutang — na, in some cases, ay wala pang bayaran.

Come follow me On Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo for your questions and ­queries.