‘Cars 3’ humarurot

‘Rough Night’ mahina


NANGUNA sa takilya ng North America last weekend ang bagong bukas na Cars 3.

Tinatayang $53.5M ang opening weekend gross nito.

Humarurot man ito eh hindi ito ganu’n kalakas.

Pumangalawa na lamang ang Wonder Woman, na more or less eh $40.7M ang hinamig sa ikatlong weekend.

Approximately $275M na ang domestic gross ng launching ­movie ni Gal Gadot.

Sa international market ay tinatayang naka-$297.2M na ito, kaya ang worldwide gross nito ay tumataginting na $571.8M more or less.

Laglag sa Top 5 ang bagong bukas na Rough Night.

Tinatayang $8M lamang ang opening weekend gross ng R-rated party comedy nina Scarlett Johansson, Kate McKinnon, Jillian Bell, Ilana Glazer at Zoë Kravitz.

***

Ayon sa Kantar Media, nakamit ng finale ng My Dear Heart last Friday (June 16) ang all-time high national TV rating nito na 34%, kumpara sa 14.9% ng My Love from the Star.

Ang kasal nina Andeng (Bea Alonzo) at Anton (Ian Veneracion) sa A Love to Last ay nagtamo ng 24.3% kumpara sa 12.8% ng Meant to Be.

At ang Father’s Day special ng MMK starring Piolo Pascual ay naka-34.3%, samantalang ang Magpakailanman episode ni Diether Ocampo ay naka-18.1%.
***

Nauna nang ipalabas sa bayang magiliw ang Despicable Me 3.

“Hindi ko ito nagustuhan,” sabi ni Pinipig de Manila.