Carla, dinala ni Tom sa kulungan ng mga multo

By

ANG Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ay masayang sinalubong ang Bagong Taon sa Yuma, Arizona.

Dito nag-Christmas si Carla with her family, pero sinundan niya si Tom sa Arizona kung saan naman ito nag-holidays with his family.

Ang saya ni Tom na nakapiling niya ang kanyang pamilya sa Amerika, lalo na ang ama niyang maysakit, pero siguradong mas sumaya siya nang dumating doon si Carla.

Kakaiba rin ang trip ni Carla, na sobrang na-excite nang dalhin siya ni Tom sa isang kulungan doon na kilala dahil sa mga multo at paranormal.

Trip na trip pala ng Kapuso actress ang ghost adventures kaya nalungkot pa si Carla nu’ng wala siyang nakitang multo sa haunted pri­son sa Yuma!