Burol ng utol ni Nadine, strictly for family members only

By

AS I write this, wala pang taga-entertainment media ang nakakausap si Nadine Lustre o sino man sa pamilya nito tungkol sa pagpapakamatay umano ni Ice Lustre. Naiintindihan naman namin ang nararamdaman ng isang nagdadalamhating pamilya. Kahit ang viewing ay strictly for family members only.

Sunday. #RWManila #NewportMall

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Kahit naman malapit kami kay Nadine, lalo na sa mom nito na si My Lustre, hindi na kami nagtangkang magpaalam kung maari ba naming makibisita sa lamay. We totally understand the situation.

Nag-trending sa social media ang #KeepGoing post ni Nadine sa kanyang Instagram account. Simbolo ito ng pagsuporta Nadine sa mga taong may mabigat na pinagdadaanan sa buhay.

Nadine may still be in total shock and loss, but in time, she can speak freely about depression. And for someone who experienced, it, she can be an advocate to the cause.

Coco, todo-todo ang gastos sa ‘Panday’

Coco Martin
Coco Martin

ILANG araw na lang ay matatapos na ang shooting ni Coco Martin ng Ang Panday. As we write this, may 4 na araw na lang at tapos na ang principal photography ng movie. Ang balita namin, dalawang malaking eksena ang kukunan to complete the shoot.

Maluwalhating matatapos ni Coco ang movie’ng pinagbibidahan, prodyus at dinirek niya. In fact, ahead pa sa deadline set by the Metro Manila Film Festival.

Pagkatapos ng shoot, magsisimula na ang post production – ang master editing, musical scoring at ang special effects na ang balita namin ay gagastusan ni Coco para maging maganda ang panoorin ng tao, lalo na ng mga bata sa Pasko.

In-adopt ni Coco sa production ng Ang Panday ang TV style ng ABS-CBN. Kapag may mga nakunan nang eksena, may naka-standby na editor sa set at doon pa lang ay ini-edit na.
Isang well known musician (na ayaw pang ipa-reveal) ang kinuha ni Coco na maging musical director ng Ang Panday. By end of October, ilalabas na ang Ang Panday merchandise (sword, shirts, mugs at iba pang laruang pambata) na magiging available sa buong Pilipinas.

Anak nina Aga at Charlene,  pinagkaguluhan sa premiere night…

STAR studded ang premiere night ng Seven Sundays noong Marte sa SM Megamall. Kumpleto ang cast ng movie na pinangungunahan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez. Kasama rin siyempre ang direktor na si Cathy Garcia Molina. Andun din ang iba pang cast ‘tulad nina Donita Rose, Kian Cipriano, Ketchup Eusebio at iba pa.

Dumating si Aga kasama ang asawang si Charlene Gonzalez with kids Andres and Atasha, na pinagkaguluhan ng mga fans. Ang guwapo nga kasi ni Andres, at ang ganda ni Atasha. Dingdong naman came with Marian Rivera.

Ilang personalidad na nakita namin ay sina Liza Soberano, Maymay Entrata, Edward Barber, Marco Gallo, Andrea Brillantes, Darren Espanto, Kakai Bautista, Mae Cruz-Alviar.

ABS-CBN and Star Cinema executives Charo Santos-Concio, Malou Santos at Olivia Lamasan.

Nabigyan ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays. And immediately after the premiere, nakabasa na kami ng magagandang reviews about the movie. To quote ang a noted film critic, “no doubt that this (Seven Sundays) is the family movie of the year!”.