Bullpups hahamunin ng Baby Tams

By

Iginuhit ni Jack Gloria ang anim sa kanyang 14 points sa fourth para bitbitin ang Far Eastern University-Diliman sa manipis na 74-72 win laban sa Ateneo at sikwatin ang huling championship slot ng UAAP Season 79 juniors basketball sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Hahamunin ng Baby Tamaraws ang defending­ champion National U sa best-of-three title ­series umpisa sa Martes sa parehong venue.

Huling nanalo ng titulo ang Baby Tams noong 2012 nang talunin ang Bullpups.

“Ang galing ng players ko, hindi sila bumigay,” bulalas ni FEU-Diliman coach Allan ­Albano.

Inumpisahan ng Blue Eaglets ang do-or-die game sa 10 sunod na puntos bago nagising ang Baby Tams, pinanguna­han ng 22 points ni Louell Gonzales at 14 ni Kenji Roman.

Nagsumite ng ­career-high 16 points, 12 dito sa second half, si 6-foot-11 newcome­r Kai Sotto sa Ateneo.