Buhay na ulit ang PCCL!


Na-out man ang Blackwater Elite sa semis ay wala silang dapat ikahiya. Ito na ang pinakamaganda nilang confe­rence at nakaisa pa sila sa Meralco sa playoffs.

Magaling ang import nila.

Bigyan mo lang ng dalawang rookies na ma­galing ang team ni Leo Isaac, tiyak na magiging malakas yan next conference.

***

May pag-asa pa ang Manila Clasico.

Magkahiwalay ang laban sa semis ng Ginebra at Star Hotshots.
Pag nakalusot sila d’yan, Manila Clasico na.

******

Tinatapos ang ang NCAA at UAAP at mangyayari na ulit ang PCCL.
Champions League kung tawagin ‘yan.

Laban ng mga champions sa college leagues sa buong bansa.
In the past, laging very interesting ang mga laban sa PCCL.

Nakatutuwa namang malaman na buhay na ito muli at malapit nang matunghayan.
Sa ngayon, busy ang mga organizers sa paghahanda ng tournament.

Covered sa TV ang PCCL kaya lalong exciting.

******

Namatay na ang Olympian na si Loreto Carbonell.
Nakikiramay kami sa mga naiwan ng beteranong coach.

Ilang beses napag-champion ni Carbonell ang San Beda noon sa NCAA.
Isa rin siya sa nirerespetong Olympians natin sa basketball.

Kasabayan niya sina Caloy Loyzaga at Carlos Badion.

Itinuturing na isa sa pinakamagaling na players sa Pilipinas si Carbonell nung panahon niya.

Maraming taon na siyang consultant ng San Beda Red Lions sa NCAA.