Bryan, abang-abang sa PISO promo

By
1027

MAHILIG magbiyahe si Bryan Termulo at kung saan-saang bansa siya nakakarating, pero kadalasan ay mag-isa lang siya.

Hindi siya kagaya nina Ahron Villena at Ken Alfonso na panay ang rampa abroad pero natsitsismis na may kasamang hunky boyfriend (na nabubuking dahil sa mga post nila sa social media).

Ang singer-actor na si Bryan ay abala sa kanyang travel vlog (video blog) sa YouTube na siya mismo ang gumagawa at nag-a-upload.

So, ‘pag nasa abroad, kadalasan ay may dala siyang selfie stick for wide angle shots.

Siya na rin ang nag-e-edit, gumagawa ng script at sound effects ng kanyang vlogs. One man show ang drama.

Very personal kay Bryan ang mga biyahe niya at dream niyang magkaroon ng sarili n­iyang travel show.

Backpacker ang peg niya kaya mura lang.

Ayaw niya kapag uma­bot ng P30K ang budget per country (airfare at hotel).

Matiyaga siyang mag-abang ng piso fare airline promo.

Maraming natututunan si Bryan sa pag-e-explore niya sa iba’t ibang bansa. Last year ay naka-11 countries siya kabilang ang Iran, Peru, Mexico at Ecuador.

Travel-related din ang segment niya sa early morning show ng ABS-CBN na Salamat Dok na isang taon na niyang ginagawa.

Hindi siya totally nawala dahil meron s­iyang hosting career. Hindi lang siya visible sa mga teleserye gaya dati.

Ang dalawa niyang hu­ling ginawang soap ay Huwag Ka Lang Mawawala at Dream Dad.

Habang nagte-teleserye siya noon ay nag-aaral si Bryan ng MassComm sa Trinity University of Asia.

Pagka-graduate niya ay kumuha pa siya ng supplementary education para puwede siyang mag-board, na ‘pag nakapasa siya ay puwede na siyang maging teacher sa high school.

Proud si Bryan na lahat sila sa pamilya ay may degree at nakapagtapos ng kolehiyo.

Kaya siya kinuhang brand ambassador ng Megasoft Hygienic Pro­ducts at siya ang pinapadala sa iba’t ibang eskuwelahan nationwide kaugnay ng ‘School is Cool’ advocacy project ng Megasoft.

First leg pa lang nito ay kasama na si Bryan kaya nakaikot na siya sa public schools sa Luzon, Visayas at Mindanao kung saan nagbibigay ng recognition and assistance ang Megasoft sa outstanding students.

Ilan sa mga produkto ng Megasoft ay Sisters Sanitary Napkins & Pantyli­ners, Super Twins Pre­mium Baby Diapers at Cherub Baby Care Pro­ducts.