Brunei at Mindanao magsososyo

By

Pagpapalalim pa sa bilateral relations partikular sa economic cooperation ng Pilipinas at Brunei ang ilan sa naging tampok sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei.

Kabilang ani Pangulong Duterte sa napagkasunduan ay ang commitment na tulungan ng Brunei ang Mindanao sa halal industry lalo na sa certification at capacity-building ng industriya.

Nagkasundo rin aniya ang dalawang bansa na paigtingin pa ang trade and investments ng dalawang bansa.

Magpapatuloy din ayon sa Pangulo ang pag­laban sa kalakalan ng iligal na droga at pagtutok sa maritime at defense issues lalo na ang tungkol sa transnational crimes, piracy at crimes at sea.


SHARE
Previous articleMaging mahinahon
Next articlePASLIT BINASAG SA RAPE