Boobay, dapat gumaya kay EDDIE GARCIA

By
2128

SI Boobay ang nag-host ng presscon ng Full House Tonight, ang bagong musical/gag show ni Regine Velasquez-Alcasid na magpa-pilot telecast mamayang gabi sa GMA 7.

Ayon kay Boobay, kasama sana siya sa Full House Tonight, pero noong kailangan siya sa show ay nagkataong nasa ospital siya.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Boobay, obvious na malaki na ang improvement niya after na ma-stroke.

Ang boyfriend niya na isang P.T. ang nag-aasikaso sa kanya.
Sa ngayon, hindi na puwedeng lumagare sa maraming trabaho si Boobay.

“Bawal na ring magpuyat, kaya once a week lang ako mag-set sa comedy bar,” sey niya.

Ang payo ni Manay Lolit kay Boobay ay magtaas siya ng presyo para kahit konti lang ang trabaho niya ay OK pa rin.

“Si Mang Eddie Garcia kasi, ganyan. Nagtaas siya ng talent fee, kaya kumonti ang mga offer, pero OK naman dahil less work at ‘yung bayad, mas mataas,” sey ni Manay Lolit.

Payo pa ni Manay Lolit kay Boobay, dapat unahin ang kanyang health at kung gustong kunin ang serbisyo niya, kahit magtaas pa siya ng talent fee ay kukunin pa rin siya ng producers.

***

Nganga ang mga sumawsaw sa hiwalayan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga after nilang mag-usap sa Star Magic office noong Miyerkules para ayusin ang gusot na namamagitan sa kanila.

Ikinagulantang ng mga intrigero’t intrigera ang sabay na pagpunta sa Amerika nina Erich at Daniel para tuparin ang commitment nila sa isang casino sa California kung saan ay may two-night show sila with Sheryn Regis.

Teka! Hindi kaya habang nasa Amerika ay maayos na nina Erich at Daniel ang problema nila at tuluyan silang magkaayos?

As the saying goes, “abangan na lang ang susunod na kabanata!”