Bong, nagbantay habang inooperahan ang ama

By

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang dating Sen. Bong Revilla na lumabas sandali sa Custodial Center ng Camp ­Crame para makasama ang kanyang amang si dating Sen. ­Ramon ­Revilla Sr. na ­inoperahan sa St. Luke’s Global kahapon nang umaga.

Bale extension na rin iyun ng selebrasyon nila ng Father’s Day dahil halos kumpleto silang magkakapatid na nagbantay habang inooperahan ang kanilang ama.

Masaya si Sen. Bong dahil nandoon siya sa ospital at nagkita sila ng Daddy niya bago ito inoperahan.

Ilang oras lang, nairaos nang maayos ang heart procedure na iyun.

Kaagad nai-post ni Sen. Bong sa Facebook ang magandang balitang iyun.

Sabi ni Sen. Bong sa FB, “Operation went well!!! Praise GOD. They will bring him to CCU first for ­monitoring. Continue praying for Daddy’s fast recovery and free from complications. God is good! Maraming Salamat po sa inyong patuloy na pagdarasal para sa aming ama.”

Dalawang araw ang in-allow ng Sandiganbayan kay Sen. Bong, kaya muli niyang madadalaw sa hospital ang kanyang ama.

***

Kamakalawa ay nasa Camp Crame ang mga anak ni Sen. Bong para maki-celebrate sa kanya ng Father’s Day.

Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria

Kasama ni Vice Gov. Jolo Revilla si Jodi Sta. Maria na obvious na nagkabalikan na naman sila.

Ayaw nilang mag­salita at ngiti lang ang sagot sa amin.

Pero nakikita na­ming pareho silang masaya, kaya iisa ang wish ng lahat na sila na talaga at wala nang break-up sa kanilang relasyon.

Naintindihan ­namin kung bakit ayaw na nilang magsalita dahil ongoing pa rin ang pagdinig sa annulment case ni Jodi.

Matagal ding naghihintay si Jodi na matapos na ito para tuluy-­tuloy na ang pag-move on niya sa buhay.

Namataan naming seryosong kinausap ni Sen. Bong sina Jolo at Jodi. Hindi na namin inalam kung ano ang napag-usapan nila.

Kahit abala si Jodi sa ginagawang tele­serye, naisisingit niya ang pag-aaral.

Pursigido siyang matapos ang kursong Psychology sa Southville.

Hindi niya masabi kung maitutuloy niya iyan sa Medicine dahil oras ang kailangan ­niya diyan.

Hindi pa niya masabi kung kaya ba niyang iwan sandali ang tra­baho sa showbiz para mag-focus sa pag-aaral ng Medicine.

***

Ayaw rin kaming sagutin ni Jolo kung totoo bang ginu-groom na raw itong tumakbong ­Governor sa susunod na eleksyon.

Napakatagal pa raw iyon, at sa ngayon mas marami siyang gagawin at naka-focus siya bilang Vice Governor ng Cavite.

Tumutulong din si Vice Gov. Jolo sa acti­vities sa Bacoor na nagdiriwang ng kanilang 5th Cityhood Anniversary.