Bianca, inggit kay Miguel

By

NAINGGIT si Bianca Umali sa recent Japan trip ni Miguel Tanfelix, pero gustuhin man niyang sumama ay hindi puwede.

Ang sabi sa amin ni Miguel ay wala kasing passport si Bianca, na mukhang mahirap kunan ng pasaporte at this point dahil bukod sa minor pa ito ay wala na pareho ang mga magulang nito.

Ang lolang nagpalaki kay Bianca ang guardian nito.

Kaya para hindi na masalimuot pa ay hihintayin na lang ng pretty Kapuso star na mag-18 siya next year para makakuha na siya ng passport at makapagbiyahe abroad.

Plano ng BiGuel loveteam na mag-Japan sila together ‘pag keri nang magbiyahe ni Bianca.

Dayalog sa amin ng magandang dalaga, ‘pag 18 na siya ay mag-i-start na siyang mag-travel nang mag-travel.

Bilib kami sa 18-anyos na si Miguel dahil ang lakas ng loob niyang mag-abroad mag-isa.

Solo flight siya at backpacker ang peg nang pumunta siya ng Cambodia. Sa Japan ay soloista rin siya.

Meron siyang ninang doon, pero ‘pag gumagala siya sa Japan ay mag-isa lang siya.

Ang saya ni Bianca nang makatsika namin sa presscon ng Full House Tonight dahil natupad ang wish niya na mapa­sama sa Mulawin V. Ravena.

Sey ng Kapuso teen princess, love na love niya ang Mulawin nu’ng bata pa siya at dream niyang ma-experience kung paano lumilipad ang mga ito.

Natanong namin si Bianca tungkol kay Baeby Baste at aware pala siyang crush siya ng cutie pie na bagets.

Sey ni Bianca, tuwing maggi-guest siya sa Eat Bulaga ay excited si Baste na makita siya.

Lagi silang naglalaro nito at ‘pag tapos na ang prod niya ay ayaw pa siyang pauwiin ni bagets.

Sinabihan pa siya nitong isasama siya o iuuwi nito sa GenSan.

Natatawang itinanggi ni Bianca ‘yung hirit sa amin ni Baeby Baste na sinabihan nito ng pangit si bagets.

Hindi niya raw sa­sabihin ‘yon dahil napaka-cute ni bagets at na­tutuwa siya rito.

***

Overwhelmed sina Bianca at Miguel na kasama sila sa bagong musical-comedy show ni Regine Velasquez-Alcasid.

Sabi ng BiGuel, loveteam pa rin sila sa Full House Tonight, pero iba-iba ang gagawin nila, na maghu-host at magpe-perform.

Bago ito for them dahil ibang level ng comedy ang gagawin nila sa FHT.

Sey ng mag-loveteam, iba talagang mapanood nang live si Regine, namamangha sila sa ga­ling nito.


  • MarianoRivero

    Sayang ang BiGuel LT na ito, hindi umangat-angat ang careers nila. Dapat may bumili na talaga sa profit-oriented na GMA network na hindi na tumaas-taas ang stock price.