Basta sabong


Mga klasmeyt sa pangalan pa lang ng kolum alam na kung ano mababasa at mapag-uusapan dito: resulta sa derby, tsismis sa loob at labas ng sabungan.

Basta sabong.

Sa katatapos na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag Internatio­nal Derby, solo champion ang entring Genjenny ni Boss Eugene Perez, walang talo sa siyam na laban gamit ang mga stags ni Paolo Malvar.

Nakatapat ni Boss Gene sa huling laban ang RJM-Tiaong.

Pero ang maugong na sultada ay ang labanan ng AA Cobra-A ni Boss Atong Ang at ang ARC-482-PILAR-OLIVER-LAC ni Atty. Capuchino na ayon sa dalawang commentators ay umabot sa 26M ang parada ng Meron. Ibig sabihin dehado sa parada ang AA Cobra na nasa Wala.

Nasagap lang natin ang balitang 26M na parada sa mga klasmeyt natin sa sabungan pero ang bakbakan ng mga manok ni Boss Atong at ni Atty. Capuchino ay napanood natin.

Ang ganda ng laban, nanalo si Boss Atong at siya rin ang nagbitaw. Parehong magaling at kahit natalo ang manok ni Atty. Capuchino ay karapat-dapat talagang paradahan ng milyon.

***

Sa mga ganitong buwan bida ang mga batang panabong, ang tawag sa kanila ay Stags.

Sila muna ang namamayagpag ngayon sa mga derbies habang nag­lulugon pa ang mga cocks at naka cord sa kanilang TP.

At dahil araw-araw ang sabong mapa-derby o hack fights isama na rin natin ang mga tupada, ay wish ko lang na sana hindi lugon ang inyong mga bulsa para makapagsabong o trabisya kayo.

Mapapadalas na ulit tayo sa sabungan, hindi para mag trabisya-kundi sumagap ng mga balitang pang-sabong.

Pati mga mananabit sa sabungan papatulan natin yan mga klasmeyt!