Bank account para sa mga sundalong bayani ng Marawi


Nakatutuwa naman at may official bank accounts na, na ating pwedeng padalhan ng ating tulong pinansyal para sa ating mga sundalo na namatay o nasugatan sa giyera, pati na rin sa mga evacuees na hindi malaman kung paano magsisimula.

Noon ay hindi ko alam kung paano maihahatid ang aking tulong. Natatakot kasi akong hindi ito makarating sa kanila at mapunta lamang sa ma­ling kamay.

Subalit nang mapanood ko na nagbukas ang AFP ng Landbank account para sa kanila ay napawi ang aking mga pag-aalala.

Hindi na ako manga­nganmbang tumulong dahil ipinangako naman nilang ipo-post ang halaga ng mga donasyong natanggap at kung saan ito ginamit.

Barbara Diaz

Ilocos Norte

Labag sa Islamic rules ang mga gawa ng Maute

Dear Sir:

Kuwestyunable kung tunay ngang mga muslim o may alam sa Islam ang mga miyembro ng Maute Group.

Nabanggit sa 10 Islamic Rules of War na huwag pumatay ng bata, kababaihan, matatanda at may sakit.

Pero ano itong ginawang pagpatay ng Maute sniper sa isang lola na balak iligtas ng mi­litar?

Kabilang sa nabanggit na huwag manira ng mga bayan o nayon ngunit sila rin mismo ang sumisira sa bayan ng ating mga kapatid na Muslim.

Planado ang lahat ng kanilang galaw, wala silang pakialam kung madawit ang kanilang relihiyon at pagmumulan ito ng diskriminasyon para sa mga tunay na Muslim.

Jamaica Rey

Compostela Valley