Bangkay ng babae nakitang lulutang-lutang sa creek

By

Isang bangkay ng babae na nasa 40-45 ang edad, tinatayang 5’2 ang taas, nakasuot ng maong na pantalon at sleeveless shirt ang natagpuang lulutang-lutang sa Evangelista creek, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Ayon kay Pasig chief of police Supt. Yebra, natagpuan ng isang barangay security force (BSF) na si Leopoldo Rivera y Lanuza, 65 -anyos at residente ng N. Cruz St, FR Compound., Barangay Palatiw, Pasig City ang bangkay ng babae bandang alas-3:25 ng madaling araw sa tabi ng Evangelista creek corner F. Soriano St., Barangay Palatiw.

Batay sa report, kasaluluyang naka-duty si Rivera nang mapadaan sa F. Soriano at napansin ang isang babae na nakahandusay malapit sa creek. Agad nya itong ipinaalam sa kanilang barangay at inireport sa pulisya.

Tadtad ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng babae.