BaliPure babawi vs. Air Force

By

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
1:00 p.m. — Power Smashers vs. Perlas
4:00 p.m. — Air Force vs. BaliPure
6:30 p.m. — Pocari Sweat vs. Creamline

Duduplikahin ng Perlas ang panalo sa kanilang huling laro, babangon agad ang BaliPure ngayong araw sa second round ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Hindi pinaglaro ng Spikers ang kanilang reinforcements noong Huwebes nang talunin nila ang Air Force sa three sets.

Inaasahan namang pahahatawin na ng bola ng Perlas sina imports Rupia Inck ng Brazil at Naoko Hashimoto ng Japan pagharap nila sa Power Smashers sa unang laro sa The Arena, San Juan.

“Puwede na silang maglaro noong Thursday pero pinili nilang huwag muna kasi gusto nila ng formal letter na pirmado ng FIVB president o ng AVC president para sure,” ani Perlas team captain Dzi Gervcio.

May kartang 4-3 ang Spikers at swak sa No. 3 spot sa event na may six-team, double round robin, 3-3 ang bitbit ng Power Smashers.

Kinalos ng Perlas sa five sets ang Power Smashers sa sa first round.

Top Four teams lang ang sasampa sa semifinals kaya krusyal na ang mga natitirang laban.

Masaklap ang talo ng Water Defenders sa huling laro kaya paniguradong ibubuhos ang kanilang gigi­l sa naghihingalong Lady Jet Spikers sa pangalawang­ match.

Angat sa unang dalawang sets pero kinapos ang BaliPure matapos ma-straight ng defending champion­ Pocari Sweat sa last three frames.

Nasa No. 2 ang BaliPure, lubog sa 1-6 ang Air Force.

Magtatapat sa main game ang Lady Warriors at Creamline.