BAGUIO

By

Ang Baguio­ ang isa sa mga pinakamabilis na puntahan kung gusto mong saglit na takasan ang napa­kaabalang mundo ng Kamaynilaan na kilala bilang City of Pines. Makasaysa­yan ang lungsod nito na paboritong puntahan ng karamihan.

Ang Baguio ay nasa itaas ng Cordillera at hindi lamang pinupuntahan dahil ito ang pinakamalamig na parte ng bansa, dinadayo rin ito dahil sa iba’t ibang magagandang kultura.

PAANO ANG PAPUNTANG
BAGUIO MULA SAMANILA?

Private car
Dumaan ng North Expressway (NLEX) patu­ngong SCTEX, pagdating sa Tarlac City exit ay kumaliwa hanggang sa marating ang Mac­Arthur Highway, aabot din ng apat hanggang limang oras ang travel time papunta doon.

Pampasaherong bus
Maaari kang mamili ng bus na trip mong sakyan,­ Victory Liner, Partas o Genesis kung saan ay may mga istasyon sa mga Lungsod ng Pasay at sa Cubao, Lungsod ng Quezon, maihahatid ka na ng sasakyan mong pampasaherog bus terminal nito sa Baguio, ‘yun nga lang doble ang tagal ng biyahe niyo, nasa 7 hanggang 8 oras depende sa trapik.

SAAN PWEDENG MANATILI?
Pagdating sa Baguio­ ay maraming sasalubong sa inyo roon na mag-aalok ng iba’t ibang pwedeng tigilan, may mga inns at hotels na inaalok sila.

Narito ang ilan lamang sa mga pwede niyong puntahan kung saan kayo pwedeng mag-stay:

Holiday Park Hotel
Matatagpuan sa Abanao Extension, Baguio City, nag-uumpisa sa halagang P1,800.00 ang rate ng pananatili­ rito.

Venus Parkview Hotel
Matatagpuan naman ito sa 19 Kisad Road, Baguio City, nag-uumpisa sa P1,650.00 ang rate dito sa isang araw.

Paladin Hotel
Matatagpuan ito sa Abanao Extension corner Cariño Street na nag­uumpisa sa P1,300 ang rate dito per day.

Pines View Hotel
Matatagpuan naman­ ito sa 24 Legarda Road, Baguio City, mula sa P1,600 ang rate nito sa isang araw.

Ina Mansion
Matatagpuan ito sa Kisad Road, Baguio City, nasa P1,250.00 naman mag-uumpisa ang rate nito.

Harrison Inn
Matatagpuan ito sa kahabaan ng Harrison Road sa tapat lamang ng Burnham Park, nag­uumpisa naman sa P500 pataas ang rate nito sa isang araw.

Baguio Village Inn
Matatagpuan ito sa Magsaysay Avenue, nag­uumpisa sa P250 pataas ang rate nito.

Baguio Kisad
Ito ay matatagpuan din sa Kisad Road, Baguio City na nag-uumpisa sa P1,400 ang rate sa isang araw.

Hotel Veniz
Ito ay matatagpuan sa Abanao Street, Baguio­ City na nag-uumpisa sa P1,350 ang rate per day.

PAALALA: KUNG MALAKI ANG GRUPO NINYONG MAGKAKASAMA AY MAS MAINAM NA SA MGA TRANSIENT HOUSES NA MANATILI.

PASYALAN
Maraming mga tourist spot na masarap pas­yalan sa palibot ng Baguio at ang magandang gawin upang malibot ang lahat ng ito kahit sa kaunting oras lamang ay ang magkaroon ng ­organisadong ruta.

Ito ang mga spots na matatagpuan sa bawat lugar dito:

1. La Trinidad Area (Chinese Bell Church, Strawberry Farm, Flower Farm)

Pwede kang suma­kay sa isa sa mga pampa­saherong jeep na naka-­parked malapit sa city hall, nasa P8.50 ang pamasahe dito at mula doon ay madadaan ang Bell Church at tapos ay P8.50 muli naman ang dagdag sa pamasahe papuntang strawberry farm.
Kung trip mo naman na pumuntang Flower­ Farm mula sa Strawberry Farm ay maaari kang sumakay ng cab dahil walang pampasaherong jeep doon, nasa P150 hanggang P180 ang ­pasahe dito.

2. Tam Awan Village

Mayroon ding mga pampasaherong jeep na nakaparada at nag-­aabang malapit sa Baguio City Market patu­ngong Quezon Hill, nasa P8.50 ang pamasahe dito.

3. Good Shepherd, Mines View Park, Wright Park, Botanical Garden, The Mansion at Teacher’s camp

Lahat ng ito ay maaa­ring mapuntahan,­ maghintay lamang ng jeep patungong Minesview na daraang Harrison Road, nasa P8.50 rin ang pamasahe.

4. PMA, Camp John Hay at Panagbenga Park

Sumakay lamang ng PMA jeep na nakaparada at naghihintay ng pasa­hero sa may Burnham malapit sa Baguio Plaza, nasa P18 ang pamasahe rito.

5. Lourdes Grotto at Dominican Hill

Sumakay ng Dominican Hill jeep na matatagpuan ang paradahan din lang sa may city market, nasa P8.50 ang pamasahe rito.

6. Maryknoll Ecological Sanctuary, Bencab Museum at Asin Hotspring

Sumakay ng Asin Jeep malapit din lang sa city market ang sakayan, nasa P15 hanggang P20 naman ang pamasahe rito.

7. Burnham Park, Baguio Cathedral, ­Orchidarium at Session Road

Ang mga tourist spots na ito ay matatagpuan din na magkakalapit, puwe­deng lakarin ang papunta sa bawat isa rito.

8. Mt. Sto. Thomas

Kailangan mo namang sumakay ng cab dahil sa napaka-konti lang ng mga jeep na bumibiyahe rito, paakyat kasi ang lugar na ito.

9. Kennon Road at Lion’s Head

Sumakay ng Camp 7 jeep na matatagpuan sa Carantes Street, nasa P8.50 ang pamasahe rito.

Base na rin sa experience ko, mas ok at kumportable ang sumakay ng cab kaysa sa pampasaherong jeep sa paglilibot sa Baguio.

So, ano pa hinihintay natin, guys! Tara na sa Baguio at damhin ang masarap na temperatura at maiinit na salubong ng mga tao doon. TARA!!