Bagsak na naman

By
244

Ang pinangangambahang pagbagsak ng benta sa karera nitong nakaraang taon ay nagkatotoo nga ng halos sumampa lang sa P7-billion ang kinita sa tatlong karerahan noong 2016.

Umabot lang sa P7.2-billion ang kabuuang nailistang sales para sa nakaraang taon at ito’y halos kapos ng mahigit P500-million kung ikukumpara sa 2015.

Matatandaang bumagsak sa P7.7-billion ang sales ng 2015 mula sa P8.8-bilion noong 2014 at ito’y isang malaking indikasyon na talagang sumasadsad ang bentahan sa karerahan.

Ano ang dahilan? At bakit hindi ito binabanggit man lamang ng mga awtoridad o kaya pansinin ng pamahalaan? Masyadong bang maliit ang tingin dito ng Pangulong Duterte kung kaya’t pinakahuli sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang industriya ng karera?

Hindi maikakaila ng kanyang mga tao sa opisina na namamahala dito sa industriya na masyado nang malaki ang ibinagsak nito kung ikukumpara sa mga nakaraang taon. Ang masama pa nga nito ay patuloy na pagkalugmok ng industriya sa Pilipinas ganung malaki ang bentahan sa mga malalaking karera sa ibang bansa sa Asya na tulad ng Japan, Hongkong, Singapore, Malaysia, at maging sa Macau.

Hindi dapat sabihin na medyo bumababa rin ang revenue ng mga bansang ito nitong mga nagdaang panahon dahil kung ikukumpara natin ang Pilipinas, ito na lamang ang bansang hindi nagdanas ng pagtaas man ng benta sa mga nakalipas na panahon.

Mantakin na lamang na sa 10 porsyentong growth na lamang na dapat asahan sa karera sa bansa, dapat sana ay nasa P15-billion na ang gross sales kada taon ng industriyang ito.

Pero bakit nakasalampak ngayon sa P7.2-billion lamang nitong nakaraang taon? Dapat maesplika ito ng mga kinauukulan kung bakit nagkakaganito ang industriya ng karera sa Pilipinas.


  • semajian

    wala na kwenta karera ngayn iilan na lng ang kabayo sumasali paulit ulit na lng ang laban tapos byahe pa. LOKOHAN LANG!!!!!

  • Panday pira

    Paano di tataas ang benta ng bawat karerahan ng dahil sa mga hinete ng byahero…may lisensya kaso ang bawat hinete na mag byahe ng laban lalo na ang mga star jockey…. Higit sa lahat kasabwat ng mga BOS ang mga sindikato… Ngayong kayo magtaka kung bakit lugmok ang bentahan sa tatlong karerahan…wag na kayong umasa na tataas ang bentahan dahil mismong may ari ng mga kabayo tumataya sa bookies..mas madami mag byahe kaysa magpanalo…