Back-to-back titles target ng St. Clare

By

Mga laro nga­yon (San Andres Sports Complex)

8 a.m. – RTU vs. Enderun (w)
10 a.m. – De Ocampo vs. St. Clare (srs)
12 noon – Fatima vs. St. Clare (jrs)

Aasintahin ng St. Clare College ang back-to-back titles sa NAASCU­ men’s basketball laban sa De Ocampo Memorial College ngayon sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Nakauna na ang Saints sa opener ng best-of-three title showdown 101-79, isang panalo pa ay muling iuuwi ang korona.

“We’ll go for it,” deklarasyon ni St. Clare coach Jino Manansala, ini­hatid ang Saints sa titulo noong nakaraang taon kontra Our Lady of Fatima University 2-1.

Muling pangungunahan ni MVP Aris Dionisio ang Saints, katuwang sina Junjie Hallare, Paeng Rebugio at Mohamed Pare ng Republic of Mali.