Baby ni Sarah kasinglaki na ng buko

By

KINUMUSTA namin ang pagbubuntis ni Sa­rah Lahbati. At sabi niya­, 22-weeks na ang kanyang ipinagbubuntis at kasing­laki na raw ng coconut ang baby sa kanyang sinapupunan.

Bale 27.8 centimeters at 430 grams na ang baby na kanyang ipinagbubuntis kaya excited na talaga sila ni Richard Gutierrez, plus Zion, sa pagdating ng new baby, by March, sa buhay nila.

‘Ang Larawan’ sangkatutak ang guest stars

BUKOD sa main stars ng mga pelikulang kasali­ sa Metro Manila Film Festival 2017, marami ring guest stars ang iba sa 8 officia­l entries dito.

Kung ang All of You nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay ay may Solenn Heussaff, Sam Milby at Rafae­l Rosell bilang mga guest, ang Ang Larawan din nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at Joanna­ Ampil ay hindi­ rin mabilang ang guest stars na nag-participate.

Dalawa sa mga artistang may cameo roles sa Ang Larawan ay sina Ogie Alcasid at Zsa Zsa Padilla.

Ang iba pa sa MMFF 2017 official entries, may guest stars din daw, kaya lalo pang dumami ang mga artistang mapapanood ngayong filmfest na darating, huh!

JM mas pogi ngayon

KINAKASA na raw ang 2 indie movies na gagawin next year ni JM de Guzman. Okey na okey na raw si JM ngayon at dahil magaling na aktor naman, may mga gustong magbigay rito ng another chance.

Ang hitsura nga raw ni JM ngayon, mas lalong gumuwapo.

Bukod sa 2 indie movies, may nine-negotiate raw na recording deal sa kanya under Ivory Records at malamang na mag-record siya ng single­ sa early part ng 2018.