BABY NI-RAPE NG BATA

By

Isang walang kamuwang-muwang na baby ang sa isang iglap ay nawasak ang kinabukasan nang gahasain ito ng isang napakabata pa rin ang isip na lalaki kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Sa imbestigasyon, lumitaw na ganap umanong alas-sais pasa­do ng gabi nang maganap ang panghahalay sa loob mismo ng bahay ng suspek na itinago sa pa­ngalang Arnais, 13-anyos sa Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Naglalaro umano sa tapat lang ng kanilang bahay ang biktimang tatlong taong gulang lamang at itinago sa pangalang Candies, nang yayain ito ng suspek sa kanilang bahay para maglaro ng bahay-bahayan.

Sumama naman ang walang kaalam-alam na baby sa bahay ng suspek. Ngunit habang abala umano sa paglalaro ang biktima ay walang kadahi-dahilan na hinubaran ito ng suspek at saka sapilitang ipinasok ang kanyang ari sa puwitan ng bata.

Matapos ang pang­hahalay ay agad din umanong pinauwi ng suspek ang biktima. Subalit habang pumapasok ito (biktima) sa loob ng kanilang bahay ay agad na napansin ng kanyang ina na mangiyak-ngiyak ito sa hirap sa paglalakad. Dahil dito ay kanyang inusisa ang anak.

Dito na malungkot na ikinuwento ng biktima ang nangyari, dahilan upang agad na humingi ng saklolo sa kanilang barangay ang ina nito na mabilis namang kumilos at inaresto ang suspek.

Subalit dahil sa menor de edad pa ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong statutory rape, ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pansamantalang mangangalaga rito.


  • Alonzo mendez

    Alam nyo bakit nangyayari ito?..dahil sa mga magulang na walang desiplina sa mga anak nila.siguro itong magulang ng suspek na bata palaging nanood ng bold at kasama ang mga anak, at isa pa baka itong magulang na ito,kung nagkokontak sila pinapakita nila sa anak nila.or bastos ang bunganga ng mga magulang niya kaya ito ang nangyayari..so dapat bitay na rin yan ang parusa kasi may isip na yan eh.

    • semandaragat

      O baka anak sa labas no DUTAE yan