Baby boy ipinaanod

By

Isang premature na patay na sanggol ang natagpuang palutang-lutang sa ilog ng isang street sweeper sa Lungsod ng Malabon kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Police Senior Supt. John Chua ng Malabon City Police, alas-7:30 ng umaga habang umiihi sa likurang bakuran ng Malabon Public Market kung saan ay tanaw na tanaw ang ilog ni Baltazar Versosa, 51-anyos, street sweeper ng Gen. Luna, Barangay San Agustin ng nasabi ring lungsod nang mapansin niya ang wala nang buhay na baby na palutang-lutang.

Inakala umano ni Versosa na isang manika ang palutang-lutang kaya agad na pinuntahan ng isang Roldan Duran na isang market porter ngunit nang kanya na itong lapi­tan ay laking panghihina niya nang matuklasang isa palang sanggol na lala­ki ito.

Agad nila itong iniahon at ipinagbigay alam sa mga awtoridad, hinala naman ng mga nakaki­ta sa biktima ay posible umanong premature nang maipanganak ito at nang lumabas na wala ng buhay ay basta na lamang umano itong itinapon sa ilog.