Awra & Franco, bubot sa pag-ibig

By

SA pagsasamahan ni Awra Briguela at Franco Rod­riguez, marami ang tuwang-tuwa dahil bordering ito sa saccharine pink cuteness.

Hindi na pwedeng i-The WHO si Briguela, ang mini-me ni Di Kagandahang Bisyo.

Si Rodriguez, pwede pang i-The WHO. Ang claim to fame niya ay being one of those PBB contestants na sampu-sampera.

Nagpakilig ang da­lawa sa video kung saan inaawit nila ang popular song na Closer.

Ginawang pang-chipmunk ang boses nila.

‘Pag pinanood mo ito, kitang-kita na they are enjoying what they were doing.

Naglulumantod si Awra at literal­ na umaawra kay Franco with matching paandar na may pa-pusong may I Love You.

Very pam-Baby Love na bersyong kulay rosas!

May isa pang bidyo ang dalawa. Rolling In The Deep ni Adele naman ang kanilang saba­yang pag-awit.

Kapansin-pansin na dito, parang mas ‘barkada’ ang dalawa.

Hubad-baro si Franco na may emote-emote na kunyari eh ‘tumutungga’ ng imaginary serbesa with matching pa-rock on, rock on finger movements.

Feel na feel nila ang song at kainaman ang sharing of the lyrics. Lalo na ‘yung almost the ending part.

In fair Verona to them, nakakatuwang makita ang dalawang young boys na enjoying each other’s company, sharing a song and a microphone.

Na kahit alam na they are being documented, sing kete sing, enjoying their moment as friends.

Sana, hanggang paglaki nila, they manage to maintain their friendship.

‘Yung una nilang bidyo, ang kuda, “Awra, luma­lablayf na. Hahaha.”

Sa pangalawang pagsasalo, “Lovers Duet” na ang hanash.

Juice colored!

Pwede bang giddy overload at huwag agad natin bigyang kulay ang kanilang pagiging magkaibigan. Bubot na bubot pa sila, huh?!