ASEAN events ‘di kayang idiskaril ng Abu Sayyaf

By

Matinding paghihigpit sa seguridad ang inilatag ng gobyerno kaugnay sa idaraos na ilang aktibidad ng ASEAN kung saan chairman ang Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Ambassador Marciano Paynor na tumatayong Director-General for Operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council sa press briefing sa Malacañang kahapon matapos ang nangyaring engkuwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at bandidong Abu Sayyaf sa Bohol kung saan ginaganap ang ilang aktibidad para sa ASEAN.

Gayunman, aminado ang ASEAN officials na may mga alternatibong solusyong inilatag ang pamahalaan sa pangunguna ng Committee on Security and Disaster Preparedness para matiyak ang seguridad ng mga delegado.

“We have, of course, alternate plans and that meeting would have been held here in Manila had it been necessary to do so.

But we always say we will not be coerced or held hostage by these actions. But at the same time, we need to be sure that we can assure the safety of the delegates. So as of now, the meeting is a go,” ayon pa kay Paynor.


  • Alonzo mendez

    HINDI LANG HANGGANG SALITA KAILANGAN NA PATUNAYAN AT GINAGAWA. HINDI LANG SA BUNGANGA OR SA BIBIG LANG.