ASAWA NI SUNSHINE, BINANTAAN NA ITUTUMBA

By

AS of presstime, nasa hospital pa pala si Timothy Tan, ang estranged husband ni Sunshine Dizon na nasangkot sa bugbugan sa Gerry’s Grill sa Quezon City nu’ng Biyernes nang gabi.

Nakaenkuwentro nito si Robert Sison, ang asawa ni Clarissa Sison na napagbintangang nakarelasyon umano ni Timothy.

Kuwento sa amin ng kampo ni Timothy, parehong nasa bar na iyun ang da­lawa at nu’ng nag-CR si Timothy, pumasok daw itong si Robert at bigla na lang siyang sinuntok sa likod. Lumaban si Timothy, pero ang dami na raw tumulong para bugbugin siya.

May isang TV director pa raw na involved na tumulong para bugbugin si Timothy at pinagbantaan pa raw itong ipapatumba. Magkakaiba sila ng statement dahil sinasabi naman ni Sison na siya ang binugbog ni Timothy nang magpang-abot sila sa comfort room ng naturang bar.

Si Timothy pa ang na-detain sa police headquarters, pero nakalabas din at pina-confine na ito sa hospital,

Naka-text namin si Timothy kahapon, at sinabi lang niya sa a­ming magbibigay siya ng pahayag paglabas lang niya ng hospital ngayong araw.

Sobrang taas lang daw ng blood pressure niya kaya naka-confine pa ito.

May ilang taong close din kay Timothy na nakausap namin at natatakot sila sa kalagayan ng asawa ni Sunshine.

May threats pa raw itong natatanggap na talagang ipapatumba siya.

Hindi nila alam kung may kinalaman din ba ang mga pulis dahil gusto na raw siyang kunin ng mga pulis sa hospital para ibalik sa kulungan.

Kung kinakaila­ngan pa raw ni Timothy na manatil­i sa hospital, ililipat lang daw nila ito ng ibang hospital.

Tumanggi si Timothy na magpa-release at sumama sa mga pulis dahil natatakot siya.

Pati ang mga taong nagbabantay kay Timothy ay natatakot na rin dahil hindi nila alam kung may masamang balak ba ang kampo ni Sison.

Nalaman din naming may contact si Timothy kay Sunshine. Halos hindi raw nakatulog si Sunshine sa pag-monitor sa kalagayan ng asawa.

Kahit hiwalay na sila, naging ­magkaibigan daw ang dalawa alang-alang sa kanilang ­dalawang anak.