Racing Feature

Arrogate

By

Patapos na ang career bilang matinding runner ng kabayong si Arrogate (Unbridled’s Song-Bubbler, by Distorted Humor) nga­yong taon.

Nakatakda nang mag-retire ang pamosong kabayo na idineklarang 2016 Longines World’s Best Racehorse sa edad na 3-year-old pagkatapos ng kanyang laban sa 2017 Breeders’ Cup Classic sa Nobyembre 4.

Tatakbo sa annual event bilang defending champion, pinaghahandaan na ng trainer na si Bob Baffer ang kanyang pagreretiro bilang isang kampeon. “That’s the greatest horse I’ve ever seen run,” ang sabi ni Baffert.

Kagagaling lang sa dalawang malalaking laban si Arrogate, hindi ito nagpakita ng kanyang angking galing. Nasegundo siya sa Pacific Classic noong Agosto 19 sa Del Mar (dito din gaganapin ang Breeders’ Cup) at pang-apat sa San Diego Handcap noong Hulyo 22.

“Arrogate is training forwardly toward his next start in the Classic, as witnessed by his bullet workout today,” sabi ni Juddmonte manager Garrett O’Rourke.

Nakaipon na ng $17.3-million career earnings ang 4-year-old na si Arrogate at karamihan dito ay mula sa apat na malalaking panalo.

Ang mga ito’y sa 2016 Travers Stakes (G1) nang nanalo siya sa track record-time at 13-1/2 length sa kanyag stakes debut; 2016 Breeders’ Cup Classic laban sa two-time Horse of the Year Cali­fornia Chrome; inaugural Pegasus World Cup Invitational Stakes (G1); at Dubai World Cup Sponsored.

Si Arrogate ay nabili ng Juddmonte ng $560,000 sa 2014 Keeneland September Yearling Sale.