Arci, NAGMAMATARAY ang mahiwagang ILONG!

By

IBINABALANDRA ng netizens ang before & after pictures si Arci Muñoz.

Mapilit at makulit ang mga pumapansin na may pagbabago sa mukha nito.

Gustung-gusto nilang kantahin ang, “Alin, alin, alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba?”

Tila may pagbabago sa mukha ni Arci… Sa lips ba? Sa panga?

May anggulo na mukha siyang bibe.

Niretoke ba ang kanyang ilong?!

Dati, parang mata­ngos ito. Sa larawang bago, napango yata. Hindi kaya the magic of photo shop ang before & after photos at ang may paka­na nito ay mga walang magawa sa buhay at si Arci ang pinagdiskita­han?

Kung nagbago man ang ilong niya, ano ang care natin doon? She owns her face and she can do anything with it lalo na’t may resources siya.

Ang change in her nose, mapapansin ba ng powers-that-be sa Palas­yo at may bagong government position na ibibigay sa kanya on health and wellness?

Ang bagong anyo of her ilong, magpapatigil ba sa umiigting na drama sa totoong buhay nina Andres at Patricia Bautista, na nagpapagalingan sa paglabas ng mga dokumento at akusasyon? Ang ilong ni Arci, matutulungan ba tayong maamoy ang mga nagtatagong pamhinta sa showbizlandia at dahil sa husay ni Muñoz sa kanyang pag-amoy, mas maraming coming out episodes tayong maasahan?

Ang mahiwagang ilong ni Arci, nagmamataray.

Pinag-uusapan at pinagdedebatehan.

Pati ang nanahimik mong ilong, pwede palang maging pampalipas oras.

Arrive ka na talaga, girl.