ARA, NAHIMAS SA ‘PINULOT’?

Kris at Bistek, barkada na!

By

NGAYON lang namin nasagap ang kuwentong hindi na raw itutuloy ni Ara Mina ang pag-alis sa drama series ng GMA 7 na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Hindi pa namin ito nakumpirma sa GMA 7, pero ang nakara­ting sa amin, pinakiusapan na raw si Ara ng management na huwag nang ituloy ang pag-quit niya sa natu­rang serye.

Wala pang sagot si Ara sa latest na nabalitaan namin.

***

Napagdudahan ang QC Mayor Herbert Bautista na nagpadala ng pink balloons kay Kris Aquino na ipinost nito sa Instagram.

Nasa caption ni Kris ang pag-uusap daw nila ni Bimby na kung paiiyakin lang siya, babarilin daw ito ng anak.

Sinabihan daw ni Kris na, ‘Baril ba agad? Hindi ba puwedeng punch lang muna?’

Sabi pa raw ni Bimby sa kanya, “Okay, but if he hurts you, I’ll beat him up because you’re my Mom & I should protect you.”

Itinanggi ni Mayor Herbert na galing sa kanya ang balloons na ‘yun.

Baka may iba na raw nagpapatibok ng puso ni Kris, at masaya raw siya sakaling may nahanap itong partner na makakasama.

Walang balikan pero magkaibigan sila. Iyung nakita silang magkasamang nag-dinner, nagpapatulong lang si Kris ng business at construction permit sa bagong negosyo.

At least, napanatili ang magandang friendship nila ni Kris.

“Barkada na kami eh. Talagang may ‘na’ na ano?” pakli ng QC Mayor.

Kung sakaling may bagong lovelife na si Kris, masaya siya para rito.

“I’ll be happy for her. Ako, okay ako du’n. Kasi, du’n din siya kumukuha ng strength, du’n sa partner niya kung sino man ‘yung partner niya, eh.

“Kasi she has so much inspiration from her children and her family. So, kung meron mang magpapataba at magpapasaya ng puso niya, okay na ‘yun. Mas maganda nga ‘yun eh.

“She’s trying to recover from after the elections, eh.

Nagkasabay-sabay, eh.

“Umalis si Kuya niya, nawala ‘yung contract niya. She’s trying to recover from that. As a friend, you have to be supportive to her,” pahayag ni Mayor Herbert tungkol sa dating karelasyon.

Nakaka-positive din ang pakikipagkaibigan ni Kris sa mga ex-dyowa kagaya ni James Yap.

“That’s what I think I’m trying to train her na to be friends with your exes.

“Kaya lang, ang sabi niya, there are things na you cannot really bring back, like ‘yung nagkakademandahan, ‘di ba?

“How can you bring back that friendship? But it’s good. I think nu’ng Christmas, nagkikita-kita yata sila. It’s good,” pahayag ni Mayor Herbert.

“I don’t think so,” mabilis na sagot ni ­Mayor nang tinanong namin kung inimplu­wensya ba niyang makipag-friends na si Kris kina James at ipakilala si Bimby sa baby ­brother nito.

“I think her family has something to do with this.

“You know, si Bimby naman is growing up, eh. And he’s also looking for a father, and his father is just there.

“So, without meddling too much to her ­family affairs, ‘yun lang ang aking ano, tatay n’ya ‘yun eh,” dagdag na pahayag ni Mayor.

May posibilidad kayang magkabalikan si Kris, kahit friends na lang ang turingan nila?

“Nobody knows the future eh,” safe na sagot ni Mayor Herbert.