Anne at Erwan lambingan lakas maka-good vibes

By

KAHAPON lang nakuhang mag-post ng bagong kasal na si Anne Curtis sa kanyang Instagram account since her wedding day.

Halos lahat ng mga pictures nila from the pre-wedding party, sa wedding ceremony at reception ay mga posting lang ng mga bisita nila through their #thewanforanne na mahigit 8,000 din ang naging posting sa Instagram account pa lang.

Ang daming natuwa at na-good vibes sa wedding na ito nina Anne at Erwan. Halos lahat ng mga nag-stalk sa mga posting ng mga bisita, na-feel daw nila ‘yung love talaga sa dalawa.

At siyempre, ‘yung bonggang location ng wedding nila sa Queenstown, New Zealand hanggang sa wedding dress niya at ni Erwan. Gayundin ang pagiging fabulous ng mga guests nila sa wedding.

Pero sa tingin namin, more than the elegance, the grandiose of their wedding, ‘yung nakikitang love talaga nila ni Erwan ang mas naramdaman at nakita ng mga tao. Bukod pa ‘yung genuine closeness nila sa kanya-kanyang pamilya at pamilya rin ng bawat isa.

And with 8 million IG followers, in just less than 4 hours, humamig na agad ang post ni Anne ng 400,000 likes at 5,000 comments.

Sobrang pasasalamat nga raw ang nararamdaman niya.

Sey ni Anne, “Grateful. Only God could have given us the most magical weekend of our lives… Eternally thankful to Him for giving me the most amazing human being to stand next to… taking in all of the beauty life and love has to offer.”

Kris Bernal takam na takam sa kaguwapuhan ni Rafael Rosell

KUNG nagkataon kayang walang non-showbiz boyfriend si Kris Bernal and at the same time, wala rin si Rafael Rosell, posibleng mag-blossom into something ang team-up nila sa Impostora?

Eh, kahit noong huli naming makausap si Kris, halos umamin na itong may crush talaga kay Rafael at guwapong-guwapo rito, huh!

Anyway, nag-birthday nga si Rafael at isa si Kris sa bumati rito sa isa sa nga post niya.

Siguro nga, kung pareho silang walang ‘someone’ ‘di-malayong mauwi rin sa totohanan ang kilig ng mga fans nila.

May mga kinilig na agad sa birthday greeting pa lang ni Kris sa social media niya. Sey ni Kris sa leading man, “Happiest birthday pogi, @rafrafrosell I feel lucky to work with an actor who knows the balance between great professionalism and fun!

Enjoy your day, you deserve it! I would take the privilege to tell you that you are a perfect screen partner and a friend.”