ANGEL, NAPAKABAIT KAY BELA

By

AFTER ng open forum sa Luck at First Sight presscon ay hiningan namin ng reaksyon si Bela sa balitang magkasama abroad ang ex-BF niyang si Neil Arce at si Angel Locsin nu’ng Holy Week.

Ani Bela, “Honestly­, ayoko po sanang sagutin. Kasi, wala naman nang parang kailangang sabihin o kailangang i-explain. Malaya si Neil na gawin kung anong gusto niya at kung ganu’n man, I’m very happy for him.”

Magkakabarkada sila, ‘di ba? Posible ba na may nadebelop kina Angel at Neil?

“Hindi ko rin po alam, eh. Kasi, kinukuwento naman niya (Neil) sa akin, pero hindi specific. So, ayoko rin naman na kulitin siya.”

Aniya, si Neil na lang ang tanungin tungkol dito dahil baka magkamali pa siya ng sagot.

Pero may chance ba na si Angel pala ang bagong girl na dine-date ni Neil?

“Hindi ko rin talaga alam. Ayokong i-sway towards one direction, kasi baka hindi totoo, tapos magkamali pa ako. Kawawa naman,” pakli ng dalaga.

Nagulat ba siya rito o somehow, parang nakita na niya na posibleng mangyari ito kina Neil at Angel?

“Hindi, walang gulat. Kasi nga, parang wala na kaming say (ni Neil) tungkol doon, eh. So, kung anuman, basta masaya siya, okey na ako.”

Kahit paano ba ay na-hurt pa rin siya?
“Hindi po, eh. Hindi naman din.”

But since magbabarkada sila before, hindi niya ba na-anticipate ‘yon na posibleng maging sina Neil at Angel?

“Hindi ko na-anticipate, kasi hindi ko naman in-anticipate na magbi-break kami, eh. So, ‘yun.”

Ayon kay Bela, super okey sila ni Neil, lalo na para sa movie na lagi silang nagko-consult sa isa’t isa kung ano pang puwedeng gawin sa marketing nito or whatever.

Kaya regular silang nag-uusap ni Neil at hindi sila ‘yung strangers na hindi na nag-uusap.

“Actually, we’re very good friends now (ni Neil). Kung paano ako kay Dos (Boy 2 Quizon), kay Cholo (Barretto), ganu’n din ako kay Neil.”

Eh sila ni Angel, friends ba talaga sila?

“Actually, sila (Neil & Angel) talaga ‘yung friends. Pero nakasama ko siya (Angel) ilang beses, okey naman. Okey naman kami. Napakabait niya,” kaswal na sambit ni Bela.

Nu’ng March ay sinabi ni Angel sa isang interview na ‘happy heart’ siya at meron siyang dine-date ngayon na non-showbiz.

Nakunan ng pic si Angel sa abroad with friends at kapansin-pansin na si Neil lang ang nag-iisang lalaki sa grupo nila.

Walang post si Angel sa Instagram, pero si Niel ay may solo pic na kuha sa Taiwan. Sa Taiwan nanood ng Coldplay concert si Angel nu’ng April 12.