Angel, nakabinbin pa sa DARNA

Lolit, irita kay Sandara

By

UMALIS patungong Amerika si ­direk Erik Matti kaya hindi pa ­niya masagot kung talagang si Angel Locsin na ba ang gaganap na ­Darna sa pelikula.

Matagal nang pinag-uusapan ang project na ito pero wala pa ring pahayag ang mga taong involved.

May lumabas na isyung si ­Angel na raw, pero wala pang nagkumpirma.
Tinanong namin ang isa sa mga producers na si Dondon Monteverde, wala pa rin siyang pahayag kaugnay rito.

Sabi lang niya, wala pa siyang naririnig mula sa Star Cinema kung sino na talaga.

Pero malamang na sa susunod na taon na ito magsisimula, kaya mukhang hinihintay na lang talaga na maging okay na si Angel na kaka­yanin na nito ang mga mabibigat na eksena sa ­naturang pelikula.

***

May nagkukuwento pa rin sa amin na malaki ang nagastos ng produksyon sa teaser pa lang ng Darna na ginawa nila at ipinalabas noong nakaraang Metro Manila Film Festival.

Halos isang linggo rin ang shoot na iyun pero nagkaroon daw ng aksidente kung saan ilang ­talents ang nasugatan.

Sabi naman ng ilang taga-produksyon, nagkaroon ng aksidente pero naagapan at naipagamot ang ilang talents na nasugatan.

Hindi na idinetalye sa amin kung ano ang nangyari, pero naayos na raw at napagamot ang ilang ­nasugatan sa aksidente sa shoot.

***

Si Manay Lolit Solis ang isa sa naaadik ngayon sa Descendants of The Sun na napapanood sa GMA Telebabad pagka­tapos ng Encantadia.

Kagaya ng bida sa Love from the Stars, ­naging fan na rin siya ngayon sa bida ng ­Descendants na si Soong Joong-Ki.

Sa sobrang pagkakalkal niya sa pagkatao ni Soong, nalaman niyang na­ging boyfriend daw pala ito ni Sandara Park.

Matagal din daw ang relasyon ng dalawa noong kasikatan ni Sandara sa Korea.
Nakipag-break lang daw si ­Sandara dito kay Soong Joong-Ki nang pumasok ito sa military.

Doon kasi sa Korea, kailangan mo talagang mag-military service kahit ano pa ang profession mo.

Kahit ang superstar na si Rain ay dumaan din sa military service, pati ‘yung bida ng Love From the Stars.

Bago pumasok si Soong Jong-Ki ay nakipag-break na si Sandara para ­hindi na siguro makakasagabal sa military ­service ang kanilang relasyon.

Irita si Manay Lolit kay Sandara.
“Nakakairita siya, huh! Gusto ko ­siyang sabunutan! Ang guwapo-guwapo nu’n, nakipag-break siya!

“Dati nga, nagtitiyaga lang siya kay ­Joseph Bitangcol, eh eto superstar ng ­Korea, binreykan niya? Nakakaloka!” ­bulalas ni Manay Lolit.

Lalo siyang humanga sa bida ng ­Descendants dahil ang latest, papasok na raw ito sa Hollywood.


  • mineis7

    angel has outgrown her darna role. dapat humanap ang star cinema ng mas bata sa kanya.

  • Agi

    Wala nang dating kung si Angel ang Darna, medyo may edad na siya at mukhang Tita. Mas bagay sa mga bata bata like Liza o kaya’s Sarah. Pero d yata type ni Sarah.

    • alice

      hindi din type ni liza,si angel talaga ang Darna kaya nga tumagal ng ganyan dahil hinihintay na gumaling siya