Angel, GAMIT NA GAMIT sa promo ng movie ni Bela

By

Bela Padilla
Bela Padilla

WALA bang ibang merito ang pelikulang Luck at First Sight kaya kaila­ngang ang nakalipas na ‘di na dapat balikan ni Bela Padilla eh kasama sa promo?

Kasama pa sa equation ang chikang si Angel Locsin ang regular date ni Neil Arce. Makakatulong kaya ito para sumugod ang mga tao sa sinehan?

Sa chikang sina Arce at Locsin ay nagde-date, nakakabilib how Padilla handles it with such grace, and boy, what a lady she is.

Alam niyang her ex is dating someone already pero napaka-professional niya to be able to freaking deal with it.

Bongga ang kanyang binitawang pangungusap, “He firmly told me not to answer questions about him. Firmly being the operative word. Actually, wala na rin akong say.”

Speaking of Locsin, sa larawang posted sa isang entertainment portal, kasama ni Angel si Neil sa photo for posterity at ang members ng Tung Dynasty.

Ang mga disipulo ni Sappho ay in full force, huh?! Panalong alpha pack — si Arce ang alpha homme, si Locsin ang alpha femme.

What a formidable pairing indeed.

Ang kahanga-hanga pa kay Padilla, keribels niyang makatrabaho ang kanyang ex.

Hindi siempre madali ang sitwasyon para sa magandang dalaga pero like a lady till the end, tapos na ang pelikula.

Grabe ang kanyang emotional maturity at commitment sa pagka-aktres kaya keribels niyang paghiwalayin ang personal at professional aspects ng buhay niya.

Kung ibang aktres o istarletitang hindi healthy emotionally, naku, baka delayed ang filming at maraming mga unnecessary emotada encarnacion.

Malaking tulong sa dalaga na she found the perfect gentleman at screen partner, si Jericho Rosales.

Echo had his lion’s share of break ups and broken hearts bago niya narating ang blissful state nila ng misis niyang kayganda-ganda.

Ang mga pahayag ni Bela tungkol kay Jericho, “Nang mabuo namin ang concept, we can’t think of anyone else who can give justice to Joma except for Echo. May pagka-exaggerated ‘yung character niya rito.

“Kung iba siguro ang gagawa, mag-o-over react. But with him, tamang-tama lang ang timpla.

“And considering na he’s Asian Drama King na, he’s very humble. He doesn’t ask for special treatment. Walang kaere-ere and very generous.”

Tickled pink si Padilla sa regalo sa kanya ni Rosales, na isang vintage typewriter, “Hinanap niya talaga, kasi nabanggit ko sa kanyang gusto kong magkaroon ng vintage typewriter.”

***

Jericho Rosales
Jericho Rosales

All praises si Bela sa gentlemanly ways ni Jericho.

Napakagaan daw na kakwentuhan ni Rosales, kaya kung ano man ang mga problema ni Bela eh mas gumaan.

Para sa dating Mr. Pogi, “It’s great to be working with her. She’s very creative and open… very nice and walang showbiz na vibe sa kanya.

“When we were shooting, we always talk about the concept and the story and kung ano ‘yung best para sa story. She’s open to exploring new things at parang walang inhibitions.”

Na-sense ni Jericho na sa simula, parang na-starstruck si Bela sa kanya, “In the beginning, I did sense it, I won’t deny it. But what I did, I made her feel na hey, pareho lang kami.

“Ako kasi, ang attitude ko towards work, ordinaryong tao ako. When I do the grind, lahat, walang bearing sa akin. Walang may labels.

“Walang stature. Walang positioning. In every project kasi, everyone is valuable.”

Sabi pa ni Rosales, “Sobrang happy ako sa oportunidad na ito. I enjoyed working kasi the people who are part of it, instant ang connection, smooth-sailing because of the bond the started tapos ngayon, friends na kami.

“Work does not become work when you do it with friends.”


  • carol

    Asian Drama King?!? Kapal ng fez makagamit ng Asian at King kung sinumang nakaisip ñan