Ang ‘mabahong’ durian at ‘mabangong’ langka

By

Kung ano ang binango ng langka ay siya naman daw ang binaho ng durian.

Isa ang prutas na durian sa kinaaayawan ng karamihan. Bagama’t may mangilan-ngilang nababanguhan sa amoy nito’y mas lamang pa rin ang nababahuan. Taliwas ito sa langka na takaw-atensyon sa hatid nitong amoy.

Pero ano nga ba ang hatid ng dalawang magkaibang prutas na ito na halos magkahawig ang itsura pero sa amoy lang nagkakaiba?

Durian:

Ang durian ay mayaman sa potassium. Bukod dito’y pang-boost din ito ng immune system.

‘Pag kumain ka ng prutas na ito’y titibay din ang iyong mga buto bukod pa sa panlaban din ito sa anemia.

Pampababa din ng blood pressure ang durian at pang-iwas sa premature aging.

Langka:

Ang langka naman ay may taglay na morin at cyanomaclurin. Mayaman din ito sa Vitamin C, at provitamin A carotenoid.

Effective din na gamot ang pagkain ng langka sa mga hirap dumumi samantalang puwede namang gamot sa pagtatae ang pag-inom ng pinag­lagaan ng ugat nito.

Mabisang gamot din ito sa hika at lagnat.