Ang libro ng lolo ni JC!

By
277

Upang manatiling­ ­buhay sa bagong heneras­yon ang madilim na bahagi­ ng kasaysayan ng bansa noong panahon ng ­Martial Law at dikta­duryang Marcos, balak ng kanyang apo na ilabas ang librong isinulat ni Primitivo Mijares, ­dating media czar ni Pangulong ­Marcos.

Ayon kay JC Mijare­s Gurango, na edad 19 lang, na i-publish ang libro ng lolo niyang si Primitivo na may pamagat na ­“Conjugal Dictatorship”.

Si Primitivo ay ­dating pangulo ng National­ Press Club at chairman ng Media Advisory Council noong panahon ni ­Marcos.

Nagsilbi rin siya ­bilang propagandista ni Marcos noong kontrolado­ pa ng diktadurya ang ­media.

Noong 1975, buma­ligtad siya laban kay Marcos­ at ibinulgar ang eskandalo sa harap ng isang pagdinig ng Kongreso sa ­Estados Unidos.

Kasunod nito, isinulat niya ang librong Conjugal Dictatorship na nagdedetalye ng kanyang nala­laman sa pamahalaang Marcos.

Isang taon matapos niyang ilabas ang libro­ noong 1976, sinubukang bumalik ni Mijares sa Pilipinas ngunit bigla na lang siyang naglaho at hindi na nakita pa.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon si JC na personal na makilal­a ang kanyang lolo at marinig­ ang kanyang kuwento ngunit hindi ito nakapigi­l sa kanyang hangarin na panati­lihing buhay ang kanyang alaala at ­sakripisyo.

Kumilos si JC upang muling mailabas ang ­libro ng lolo at muli itong ilulunsad sa February 25 kasabay ng pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People ­Power Revolution na nagbigay­ daan sa pagpapatalsik kay Marcos.

Sa bagong edisyon ng libro, naglalaman ito ng 200 pahina ng paliwanag upang matulungan ang mga kabataan na intindihin ang isinulat ng kanyang lolo.

Naniniwala si JC na tungkulin ng bagong henerasyon na labanan ang tangkang baguhin ang kasaysayan, na nais gawin ngayon­ ng pamilya­ Marcos ­kasunod ng paglibing sa diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Umaasa rin si JC na gagamitin ang bagong ­edisyon ng libro bilang ­resource materials sa paaralan. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo”. (Twitter: follow@dspyrey)