Anak ni Jericho, lalong nagiging pogilicious

By

NAG-BONDING ang hunky dad na si Jericho Rosales at ang huma-hunk na rin niyang anak na si Santino Rosales nu’ng Father’s Day.

Sinundo ni Echo ang kanyang 16-anyos na anak (sa isang non-showbiz girl) tapos ay nanood sila ng football game ng team ni Santino na Kaya Football Club.

Natuwa ang mag-ama dahil nanalo ang Una Kaya. Bukod sa KFC ay varsity footballer din si Santino sa school nito na Colegio de San Agustin.

Lumalaking pogilicious si Santino na mas matangkad na sa kanyang ama.

Nagmu-model na ang guwaping na binata na mas gusto ‘yon kesa mag-artista. Bet din nitong maging ­endorser at professional football player.

***

Ka-bonding naman ni Janine Gutierrez ang fadir niyang si Monching Gutierrez nu’ng Papa’s Day.

Kasama nila ang mga kapatid ni Janine na sina Jessica, Diego at Maxine.

Nag-swimming muna sila sa pool, tapos ay nag-dinner sa Spiral sa Sofitel.

Waley munang Mommy Lotlot dahil nakalaan para sa kanilang Papa Monching ang espesyal na araw na ‘yon.

Nakita namin sa IG Stories ni Janine na niloloko nilang mag-ama ang brother niyang si Diego, na nag-guest kamakailan sa Jackpot En Poy ng Eat Bulaga pero natalo ito (gaya ni Janine na na-LOTLOT din nang maglaro sa Jackpot En Poy).