Melanie, kabado para kay Winwyn

Alma, Joey, binawalang samahan si Winwyn sa Bolivia

By

MAGKAKASUNOD na aalis ang top winners ng Ms. World Philippines 2017. Sa October 19 ang alis ng Reina Hispanoamericana 2017 candidate na si Winwyn Marquez patungong Bolivia, at kinabukasan naman ay tutulak pa-China ang pambato natin sa Ms. World 2017 na si Laura Lehmann.

FILIPINAS! IPAKITA NATIN ANG POWER NG PINOY. 😁❤️ ______________________________________________________________ Reina Hispano Americana 2017 will have an online voting and the candidate with the highest votes will automatically be one of the FINALISTS. 🖐🏽 ______________________________________________________________ Make sure to follow @pgloriaoficial and like their fb page para malaman kung kelan magsisimula ang voting! ______________________________________________________________ Voting will be made through www.promocionesgloria.com and it will also be accessible through their Facebook page https://www.facebook.com/PromocionesGloria and the official page of Reina Hispanoamericana https : //www.facebook.com/ReinaHispanoamericana Mag ready na kayo!❤️ @pgloriaoficial

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

Si Winwyn ang medyo pressured sa preparasyon dahil kailangan pa niyang mag-aral ng Spanish at first time pa kasing sasali ang Pilipinas sa Reina Hispanoamericana. Kaya inaabangan talaga doon si Winwyn.

Medyo marunong na raw siyang mag-Espanyol, pero hindi naman daw siya kailangang matuto talaga, dahil bibigyan naman daw siya ng interpreter.

Natutuwa rin si Winwyn sa positibong feedback nung inilabas na ang video nito para sa Reina Hispanoamericana, at binigyan pa siya ng title na Queen of Asia. Lalo siyang napansin ng ibang bansa dahil sa pagka-feature sa kanya sa isang newspaper sa Bolivia.
Hindi lang daw mga Pinoy kundi pati raw ibang bansa sa Asia ay nagbibigay ng magagandang mensahe sa kanya.

“Sobrang nagulat ako kasi three days pa lang naka 350 thousand plus views na siya, Iba yung tanggap kasi even Indonesian fans, they message me good luck and they’re very proud na may first Asian na mag-represent. Sobrang na-overwhelm ako,” sabi ni Winwyn.

Ayon kay Winwyn, malaki talaga ang expectations sa mga sumasali sa Reina Hispanoamericana dahil ang ibang Latin American countries ay doon daw muna nila isinasalang bago isali sa Ms. Universe o Ms. World.

Halos 36 hours pala ang biyahe pa-Bolivia. Hindi raw pumayag ang doktor ni Alma Moreno na magbiyahe ito ng ganun kahaba dahil sa Multiple Sclerosis nito. Si Joey Marquez naman ay may asthma.

“Kaya si Kuya Yeoj na ang kasama ko. Saka ayoko rin na nandun sila dahil gusto ko rin mag-focus sa competition. Ayokong alalahanin ko pa sila.”

Sa ngayon ay mas kinakabahan pa raw ang pamilya ni Winwyn, lalo na ang parents niya. Pati raw ang Tita Melanie Marquez niya ay kabado rin para sa kanya.

“Sabi lang niya, just give my best. Huwag daw akong matakot kasi ang gaganda nila, matatangkad. Sabi niya, ‘use your weakness as your strength. Kumbaga, gamitin mo ‘yun as advantage pagdating doon,” say ni Winwyn.

Anyway, bago sila umalis ay pumirma muna sina Laura at Winwyn ng kontrata sa Regal Films

bilang bagong Millennial Regal Babies. Kasama nilang pumirma ang ilan pang winners na sina Ms. Eco Philippines Cynthia Thomalla, Ms. Multinational Philippines Sophia Senoron, at 1st Princess Glyssa Leiann Perez.

Sa contract-signing ay nalaman naming isa si Arnold Vegafria, ang general director ng Ms. World Philippines na uupo sa siyam na board of judges ng Ms. World 2017 na gaganapin sa
Sanya, China sa November 18.

Alessandra-Ivan vs. Barbie-Ken sa takilya

MAKAKATAPAT ng showing ng This Time I’ll Be Sweeter (nina Barbie Forteza at Ken Chan) ang pelikulang 12 ng Viva Films na sinulat at co-producer din si Alessandra de Rossi na bida rin sa movie.

Obra ni Alessandra itong 12 na kung saan siya ang nagsulat ng kuwento at likha rin niya pati ang kanta nito.

Si Dondon Santos ang nagdirek nito at first lead role ito ng baguhang si Ivan Padilla na nagsimula ng kanyang acting career sa Hollywood. Sobrang na-inspire si Alex sa sinulat niyang kuwento na tungkol sa love story.

Pero, hindi raw ito kuwento ng love story niya kundi kuwento ng iba, pati na ng ilang kaibigang nakausap niya.

“Maraming eksena o linya na nasabi sa akin or na-wish ko na sinabi ko. Maraming tao sa paligid ko ang nakaranas niyan, whether close sa akin o hindi. Makikita mo na pare-pareho lang talaga ang problema ng lahat sa relationship.”