Alice, wagi ang pa-bikini

Marian, most beautiful Filipina celeb sa isang US media organization

By
2090

PATOK sina Ian Veneracion at Iza Calzado at mukhang sila ang bagong loveteam to beat hindi lang sa TV (A Love To Last) kundi sa dalawang pelikulang Ilawod with Dan Villegas at Un­titled with Jerold Tarog.

Iba kasi ang chemistry nila dahil magkaibigan na sina Iza at Ian kahit noon pa man.

Paano na si Bea Alonzo? May Gerald Anderson naman siya, ‘di ba?

***

Libu-libo ang likes ng bikini photos ni Alice Dixson sa Instagram.

Apaw ang sex appeal ni Alice sa two-piece habang nagliliwaliw sa Palawan.

alice-dixson
Alice Dixson

Wagi!

Hot na hot! Kapanta-pantasya pa rin ang kanyang alindog!

***

Bongga ang mga ganap sa kabitseryeng Ika-6 Na Utos, na palabas Lunes hanggang Biyernes nang hapon sa GMA 7.

Makikipagtagpo si Emma (Sunshine Dizon) kay Georgia ­(Ryza Cenon).

Gulat si Georgia ­dahil ang ine-expect ­niya ay si Rome (Gabby ­Concepcion).

Magkakasagutan ang legal wife at kulasisi,

Sasabunutan ni ­Georgia si Emma!

Gaganti si Emma!

***

Nangibabaw ­muli ang ganda ni Marian ­Rivera-Dantes sa worldwide news.

Sa ikalawang pagkakataon, ang Sunday Pinasaya host ay tinanghal na No. 1 Most Beautiful Filipina Celebrity ng The World Around Us, isang US media organization.

Last year, pinangalanan din siya ng isa pang American online-based media organization na Gazette Review bilang pinakamagandang Filipina celebrity.

Iba talaga ang beauty ni Marian!

***

Puntirya ng mga bali-balita si Liza Diño bilang dakilang SAWSAWERA sa mga isyu.

From the ­Baron Geisler issue to the PAWS vs Oro animal welfare violation, sawsaw kete sawsaw si Liza.

Sabi ng mga kaibigan sa press, walang ipinagkaiba si Liza kay Mocha na ipinag-iingay lahat sa social media.

What do you expect, ultimo honeymoon at ­anniversary lampungan nila ni Aiza ay well-documented at naka-FB live pa.

***

Gaano katotoo na isang female talent ng isang network ang kuma­las na sa kanyang manager at may kinakausap na bagong manager na may malakas na impluwensya sa pag-iisip ng artistang boyfriend?

Alam na kaya ng tatay nitong female talent ang move na ito? Sayang at patuloy nang naghilahan pababa ang magkasintahang pares na ito na puwede nang masabing La Ocean Deep.

***

Totoo kaya na sumulat ang isang talent ng network na hindi na siya tatanggap ng bagong trabaho from the network kahit hindi pa tapos ang kontrata niya?

Sayang, kasi, may isang major artist na palipat ng network na makakatambal sana niya para isalba ang kanyang pa-La Ocean Deep na status.

Oh, well! Good luck sa pagmamalaki niya!

***

Magre-reunion ang CINE CAFÉ Buddies next month.

Sa mga tambay noon sa Cine Café na ­gustong sumali sa reunion, ­paki-PM sa Facebook si Jess Bayrante o Ben Bañares.


SHARE
Previous articleBinulaga, niratrat ng tandem
Next articleBagsak na naman