Abante Tonite Interactive

Alex, natanggal ang kati sa tapik-tapik ni Joseph

By
Joseph Marco at Alex Gonzaga
15

KILALA si Alex Gonzaga sa kanyang mga nakakatawang hirit o mga soundbite at punchline, pero hindi niya agad nasagot ang tanong namin kung anong meron ang SephLex loveteam nila ni Joseph Marco na wala ang KathNiel, JaDine, LizQuen, AlDub at iba pang showbiz loveteams.

Hirit sa amin ni Alex kahapon sa presscon ng Regal movie na My Rebound Girl, huwag na lang mag-compare dahil ayaw ‘yon ni Lord.

“Siguro, ang gusto ko kay Joseph talaga, hinahayaan niya akong maging baliw.

Hinahayaan niya ako kung anong sabihin ko, kung ano ‘yung reaksyon ko. So, hindi ko kailangang mag-pretend.

“Alam kong hindi ako idya-judge ni Joseph. Alam ko na kahit magkamali ako, susuportahan niya ako. ‘Yun ang gusto ko sa kanya,” bulalas ni Alex.

“‘Yun siguro, ang kinaiba namin. Mas baliw kami sa ibang loveteams,” nakangi­ting sundot ni Joseph, na kapareha ulit ni Alex matapos silang magtambal noon sa Kapamilya afternoon soap na Pure Love.

May konek sa kape ang romantic comedy movie ng SephLex na dinirek ni Emman dela Cruz.

May coffee shop business ang karakter ni Alex na si Rocky habang may coffee plantation ang mayaman na karakter ni Joseph na si Rich.

Nag-shoot sila ng mga eksena sa isang magandang coffee plantation sa Benguet.

Doon sa scene na tinapak-tapakan nila ang Arabica coffee beans ay nangati ang mga paa ng dalawa dahil may nahalong higad sa kape.

Pinuri ni Alex ang pagka-gentleman ni Joseph dahil nang mangyari ‘yon, lahat sa set ay binibigyan ng tubig at sabon, pero pinauna siya ni Joseph at tiniis nito ang intense na kati.

Natatawang sey ni Alex, paakyat na sa legs niya ‘yung kati, pero na-stop niya.

Anong ginawa ni Marco para maalis ang kati niya?

“Ano, hindi ko pinakamot sa kanya, eh. Kasi, ‘pag pinakamot ko, lalong kakati. So, hinataw-hataw lang niya,” nakangiting sey ni Alex.

Anong pinanghataw ni Joseph?

“‘Yung kamay niya, ginanu’n ganu’n niya. Tapik-tapik. Tapos, nu’ng ano na, tinawagan niya ako,” lahad ni Alex.

“Sabi niya, ‘Huwag mo na lang gagalawin. Kasi, ‘pag hindi mo ginagalaw, mawawala rin ‘yung kati.’ ‘Pag lalo mo siyang kinamot daw, lalong kakati, eh. So, parang hayaan mo na lang daw.”

***

Eh, ano namang ginawa ni Alex nu’ng nanga­ngati-ngati ‘yung ano ni Joseph… paa?

“‘Yun nga, ayaw niyang ipakamot sa akin, eh. So, tiniis ko na lang ‘yung sa akin. Tiniis­ ko na lang ‘yung kati hanggang sa napigilan ko siya.

“Kaya tinawagan ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Huwag mong kamutin, kasi mawawala rin naman ‘yung kati,” pakli ni Joseph.

Gaano katagal nagtiis sa kati si Joseph?

“Grabe, ang tagal. Tiniis ko siya for like mga 20 mi­nutes din siguro!” sagot ng Kapamilya hunk na wapak ang abs.

Sanay ba siyang magtiis sa kati?

“Depende, depende. Ang malala pa du’n, nasa Baguio kami.”

Nakakadagdag ba sa kati ‘yung lamig?

“Ang hirap. Na­ging challenge talaga siya. Pero ‘yun nga, napigilan naman namin,” napapa-smile na dayalog ni Joseph.

Sa September 28 ang showing nationwide ng My Rebound Girl mula sa Regal Entertainment.