Abante Tonite Interactive

AlDub, magsu-shooting na sa Bohol

By
12

THE AlDub fans are rejoicing dahil kasama sina Maine Mendoza at Alden Richards sa pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto at intended for Metro Manila Film Festival 2016.

Kuwento sa amin ng loyal supporters ni Maine, aalis ngayong araw na ito pa-Bohol ang phenomenal star ng Eat Bulaga para mag-shoo­ting sila ni Alden for Enteng Kabisote.

Noong unang lu­mabas ang balitang ang Enteng Kabisote mo­vie franchise ang gagawin uli ni Vic at isasali sa MMFF 2016, lumabas ang pangalan nina Maine at Alden bilang dalawa sa mga makakasama sa pelikula.

Pero noong nag-story conference para sa pelikulang ‘yon, hindi kasama ang famous loveteam.

Ngayon ay kumpirmadong may special participation doon sina Maine at Alden.

Tsika pa ng fans, sa Sabado ng umaga na ang balik nina Maine at Alden sa Maynila para humabol sa Eat Bulaga.

Ang alam nila, 11:50 AM ang dating ng dalawa, kaya baka ang barangay segment ng number one noontime show ng ‘Pinas ay gawin sa malapit sa airport.

Bumilib kami sa fans ni Maine na nakatsikahan namin dahil nagbabalak sila na sundan ang kanilang idolo sa Bohol, huh! Ang alam namin, kagabi nakabalik ng bansa si Alden mula sa London.

Kinumpirma ng isang production staff ng Enteng Kabisote 10 na may shooting ngayon sina Maine at Alden sa Bohol at ayaw lang ikuwento ng katsikahan namin kung ano ang roles nila sa pelikulang ‘yon.

***

Lorna Tolentino
Lorna Tolentino

Madrasta ni Mark Anthony Fernandez si Lorna Tolentino dahil kasal ang aktres kay Rudy Fernandez, ang yumaong ama ng dating member ng 90’s teen sensation group na Gwapings.

Kung ang nanay ni Mark Anthony na si Alma Moreno ay sobrang affected sa pagkakahuli ng pulisya ng Pampanga sa anak na sinasabing may dalang isang kilo ng mari­juana sa kotse, si Lorna naman ay dep­ressed sa nangyari sa anak ng yumaong mister.

Parang tunay na anak na rin daw ang turing dito ng premyadong aktres.

Marami rin ang naawa kina Alma at Lorna dahil sa dialogue ng pulis na, “He (Mark Anthony) will rot in jail!”