Alden, bentang-benta ang PAGHUHUBAD

By

KUMALMA na ang AlDub Nation matapos mag-tweet si Alden Richards ng, “Take it easy guys, all is good,” na may kasamang hashtag na #breathe.

Apektado kasi ang fans nina Alden at Maine Mendoza sa masasakit na salita na sinasabi patungkol sa AlDub teleserye na Destined To Be Yours.

Todo-pagtatanggol ang supporters ng dalawa sa DTBY nang makarating sa kanila ang hindi kagandang comment hinggil sa show mula sa isang taong hindi nila inaasa­hang magsasalita ng ganu’n patungkol sa serye nina Alden at Maine.

Hurt na hurt ang AlDub fanatics, pero mukhang may calming effect ang tweet ni Tisoy, kaya nabawasan na ang pagka-beastmode ng fans kahapon.

Happy rin ang Aldenatics at Maineatics na gumaganda na ang ratings ng DTBY, kaya lalo na lang nila itong tututukan kesa awayin ang detractors ng show.

In fairness ay ang lakas ng kilig factor nu’ng Alden-Maine roadtrip na panay lang ang awayan at kulitan ng dalawa sa kotse na sobrang cute ng dating.

Wagi rin ‘yung hubad-T-shirt moment ni Alden na tinutukso nito si Meng, kaya bumanat ito ng, “Akala mo naman may abs ka! Laki ng tiyan mo, huy! Mag-diet ka nga!”

Sobrang benta ng eksenang ‘yon dahil napaka-natural lang ng dalawa.

“Ito na ‘yung bagong in ngayon,” ang kaswal na sagot ni Tisoy na ang tinutukoy ay ang kanyang duma-‘dad bod’ na katawan.

Wagas ang ligaya ng fans kapag la­ging magkaeksena ang SinJie (Sinag-Benjie)!