Aktres, tumawad sa sale

By
1455

NOT so young actress na malaki na ang kinikita, super shopping galore anytime anyplace anyhow.

Maputi, sumi-sing, magaling mag-English. Mara­ming naging ­jowa. Gumaling na sa ­akting.

Ilan lang ‘yan sa mga katangian ni ate. Inggit much ang ibang nyortista sa kanya.

Sabi nga niya sa isang interview, “Basta’t ma­galing ka, sisikat ka!”

Taraaaaay!!!

Masalimuot ang buhay pag-ibig niya noon. Tatlo sa naging jowa niya, napitik ng ibang girls.

Bakit kaya?

Ang drama kasi ni ate ay ide-deny na nililigawan siya. Kapag sila na ng boylet, ang kiyeme latik ni ate, “We’re dating pa lang!”

O kaya, “We’re getting to know each ­other pa.”

At kung pini-finger na siya?

“We’re close na!”

Pero ngayon, waaah niya na deny ang jowaers niya. Swit-switan sila with matching tukaan kahit may mga utaw sa pali­gid na nagpapalakpakan.

Yayamanin ang boyfie ni ate kaya feel na feel niyang mag-shopping. May tagabayad!

Pag-absent si boyfie, keri niya pa rin na magbayad. Madatung siya, ‘noh?!

Gora si ate sa isang ­sikat na mall sa ­Makati… alone!

Walk with so much faith si ate. Look to the left and look to the right siya, pati sa back.

Gulung-gulo si ate kung aling shop ang uunahing pasukin para mag­lustay ng pera.

At may na-sight siya na maraming utaw, go si ate! Pili kete pili siya ng items.

Marami kasi siyang datung.

Umaapaw ang kanyang basket sa sobrang daming kinuha.

Nang magbabayad na, tumili siya dahil ang laki ng babayaran niya.

Mega tuwad este tawad si ate.

Chumika si cashier, “Ma’am, sale na nga po ‘yan, eh!”

Tinginan ang mga nakapila.

Biglang chika ulit si ate, babalik na lang daw siya kinabukasan, sabay irap.