AKTRES, NAG-INARTE SA PANGIT NA DAMIT

By

YOUNG actress na nagbida na sa serye, bumalik sa pagiging kontrabida.

Binalikan ang pagtataray at feeling-fee­ling-ang sikat!

Noon pa man, hindi talaga pwede ang fezlak niya na maging bida o leading lady ng mga sikat na actor.

Sa ugali ay namana niya nang buung-buo ang kaartehan, kayabangan at kaartehan ng mudra niyang pakialamera.

Kaya pati talent agency niya ay gustong kutusan ang mag-inang hindi naman kagandahan.

Sa bago nitong serye ay umariba na naman ang ugali nitong akala mo’y kayganda-ganda at kaygaling-galing niya.

Nangyari ang eksena sa tent. Dumating ang yayey niya na dala ang isusuot niyang damit.

High pitch agad ang young actress at ibinali­bag ang outfit na isusuot niya sa taping.

Tumili ang potah, “Iyan ba ang ipapasuot sa akin?! Ampangit-pa­ngit!”

Ang kawawang ya­yey, nakayukong luma­bas ng tent para ibalik ang damit na pinandirihan ng nagmamagandang actress.

Maya-maya, may isang vaklang bumubula ang bibig at pa­punta sa tent ni ­attitude.

Talakitok ni ba­ding kay young actress, “Oo! Sa ‘yo ‘yan at ‘yan ang isusuot mo! Kung ayaw mo, maki­pag-usap ka sa mga boss para ngayon pa lang, mapalitan ka na agad!”

Namutla si maarteng young actress at agad isinuot ang damit sabay smile at chumikang hindi na mauulit.

Hindi na ito nagsumbong sa ina, baka maombag lang siya.

Simula noon ay naging maayos na siya sa trabaho at waaah na reklamo.

Ang hirap kaya nang walang work kaya tumahimik na lang siya!