Aktres at ‘mister’ sulit ang ligaya

By
1450

MAY basbas na ng simbahan ang relasyon ng isang kilalang aktres sa non-showbiz boyfriend nito.

Hindi Katoliko ang lalaki kaya hindi sila puwedeng ikasal sa simbahan, pero binigyan na sila ng blessing ng Catholic church, sa kahilingan ng aktres.

Matapos matanggap ang nasabing basbas ay very husband and wife na ang peg ng dalawa.

Halos nasa bahay lang palagi si aktres at ang kanyang hubby, sinusulit nila ang mga masasa­yang oras nila together at ninanamnam ang pagiging ‘mag-asawa.’

Iba ang level ng kaligayahan ngayon ni aktres sa piling ng kanyang ‘mister.’

Kahit mga simpleng bagay tulad ng pagluluto, pamamalengke o paglilinis ng bahay ay ine-enjoy nila nang husto.

Parang ngayon lang lumigaya nang ganito si aktres, kaya feel na feel niya ang bawat minuto na kasama niya ang kanyang mahal.

Sinasagad nila ang pagsasalo sa wagas na ligaya dahil malapit na ulit suma­bak sa trabaho at maging busy si aktres.

Kahit abot-langit ang saya nga­yon ni aktres ay na­katapak pa rin ang mga paa niya sa realidad at alam niyang kailangan niyang magtrabaho dahil me­ron siyang sari­ling career.

Tahimik lang ang kilalang aktres pagda­ting sa kanyang ­personal na buhay.

Mga malalapit na kaibigan niya lang ang nakakaalam ng totoong sitwasyon niya ngayon.

Sobrang na-touch siya na lahat ng mga ito ay natutuwa, naiintindihan at ­suportado ang bagong kabanata na ito ng buhay niya.