AKTOR, NAG-ATTITUDE SA CAR WASH BOY

By

MAG-JOWA na taga-showbiz, may sariling mundo at takot sa tao!

Si babae ay maga­ling na actress, mapa-bida man siya o kontrabida.

In fairness, hindi siya nawawalan ng teleserye.

Si lalaki ay sumikat nang husto noon pero ngayon ay nganga na. Buti na lang, si ka-live in niya eh busy-bisihan.

Pag walang work si girl, siya pa ang naggo-grocery.

Na-sight s’ya ng kapwa niya supporting actress na binubusisi at sinisipat-sipat ang presyo ng mga bibilhin, pati yata kung sino ang gumawa at kelan pa na-release.

Nagkasalubong sila pero nakayuko si ate na tinangka pa sanang chikahin ng isa pang actress na support lang, kaya dedma na siya.

Pero nagtataka si actress #2 kung bakit ganun si actress na may serye ngayon.

Punta naman tayo sa jowa niyang supporting actor na nakita ni Floor Director sa car wash.

Babatiin sana ito ni Floor D pero bago pa siya makarating sa kinauupuan nito, tumayo na ito at chine-check kung maayos ang pagkalinis ng karu niya.

Sinabihan ni aktor si car wash boy sa tamang paghawak ng basahan at hose.

Kailangan daw na malinis na malinis at higit sa lahat, huwag magagas­gas ang karumba niya.

Lahat-lahat, pinapakialaman ni kuya hanggang sa paglagay ng gulong.

Iiling-iling na lang si Floor D at sa isip-isip, bakit hindi si actor na lang mismo ang maglinis?

Muntik nang iwan ni car wash boy si kuyang pakialamero.

Kahit banas na banas na, tinapos na lang ni car wash boy ang paglilinis ng kotse.

Nagbayad si attitude actor na hindi man lang kinibo ni Floor D.

The height, waaah give ng tip si actor.

Waley Tiffany!

Kuda ni car wash boy nang makaalis na si attitude actor, “Huwag ka nang babalik dito, baliw!!!”

***

Director ng television at pelikula, lagi na lang nag-aabang kung sino ang may dalang pagkain!

Mahilig itong manghingi ng fudz sa mga artista, mga staff at pati sa mga HMUA (hair & make-up artist).

Natyempuhan nya si HMUA na laging may baon.

Nag-good morning ito sa kanya.

Ang sagot ni direk, “Anong dala mong pagkain?”

Say naman ni baklita, may dala syang chitchirya. May cookies din at sandwich na may palamang Spam.

Say ni direk, “Patingin nga!”

Inabot naman ni vaklang HMUA at iniwan ang baon. Dinala muna ni HMUA sa tent ang napakalaking bag at salaming nilalagyan ng ilaw.

Mga 30 minutes ring nawala si bading.

Nang balikan niya ang baon, laking gulat niya dahil tulog na si direk.

Halos pumalahaw ng iyak si bading nang makita niyang wala nang laman ang bag.

Tinira ni direk ang lahat-lahat na lafang na baon niya. Nagsumbong si jokla kay executive producer. Babayaran na lang si hair & make-up artist.

Simula noon, tinataguan na niya ng lafang ang director na masiba.