AKHUETIE LUMIPAT NA NG UP

By
626

Kinumpirma ­kahapon ni University of the ­Philippines coach Bo Perasol na tuluyan nang nakuha ng Fighting Maroons ang serbisyo ni 6-foot-8 Nigerian Bright Akhuetie mula sa Perpertual Help team ng NCAA.

Wala pang ibang de­talye hinggil sa pag­kaka-­acquire ng UP kay Akhuetie, maliban sa hindi pa ito makakasalang sa darating na UAAP basketball season, dahil kailangan pa nito ng one-season residency na ipinatutupad ng collegiate league.

Malaking tulong ang maibibigay ni Akhuetie sa Fighting Maroons lalo na sa loob ng paint dahil sa laki ng kanyang katawan at taas ng talon.

Halimaw din sa hablutan ng bola at matindi kung dumepensa kaya inaasahang lalaban lalo ng sabayan ang Fighting Maroons kontra sa ibang matitikas na teams, tulad ng UAAP reigning Champion De La Salle University at runner-up Ateneo.

Sa paglalaro ni Akhuetie sa Altas nag-­average ito ng 17.6 points, 12.1 rebounds, 1.7 blocks at 1.3 assists nakaraang taon.