Agawan nina Pia at Iris sa korona ni Demi-Leigh bentang-benta sa netizens

By

ANG agawan sa Mikimoto Crown, na property ng Miss Universe, nina Pia Wurtzbach at Iris Mittenaere sa harap mismo ni reigning Miss Universe Demi-Leigh Nel Peters ang pinag-usapan nang husto sa social media kahapon.

Nag-post si Pia ng boomerang video nila ni Iris habang sa gitna nila si Demi. Ang eksena sa video, naghihilahan sa korona ni Demi-Leigh sina­ Pia at Iris. Eh, magaling din umakting si Demi-Leigh na parang naloloka sa nasasaksihan niya.

Mikimoto is ❤️ @demileighnp @irismittenaeremf 😂😂 @missuniverse

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Ang korona ay gawa sa diamond at Mikimoto­ pearl, na nakaputong nga ngayon sa ulo ni Demi-­Leigh.

Ang nasabing korona ang naging dahilan ng emotional moment ni Pia sa final photo shoot sa Miss Universe last January habang suot-suot niya ang nasabing Mikimoto crown.

Mula 2002 at 2007 ang nasabing Mikimoto crown na ang ipinasuot sa mga winner ng pageant.

Pangarap ni Pia na maisuot ang nasabing korona na nangyari sa photo shoot niya at bilang surpresa na rin sa kanya.

Nu’ng maisuot ni Pia ang crown, hindi napigilan ng dalaga ang maluha sa tuwa.

Kaya nga very significant ang boomerang video nila ni Iris na nag-aagawan sila sa crown dahil pareho nilang gustong-gusto ang korona.

Pumatok talaga sa netizens ang short video na ‘yon, na para silang mga bata na nag-aagawan ng laruan.