ADAMSON-UST FINALS REMATCH

By

Mga laro ngayon (Rizal Memorial Baseball Stadium)
8:00 a.m. — Adamson vs. UST (Softball Finals)
12:00 noon — Ateneo vs. UST (Baseball Finals)

Dedepensahan ng ­Adamson University ang korona laban sa University of Sto. Tomas sa finals ng UAAP Season 79 softball sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Target ang seven-peat, haharapin ng 15-time champion Lady Falcons ang Tigresses ngayong umaga.

Itatapat ng Adamson sina Angelie Ursabia, Delyrose Covarrubias, Florabele Pabiana, Krisha Cantor at pitcher Rifalayca Basa para palamigin ang matikas na laro nina Mary Ann Antolihao, Mallows Garde, CJ Roa, Celestine Palma, Sheila Mae Perales at Lealyn Guevarra ng UST.

Malaki ang tiwala ni coach Sandy Barredo kay Antolihao.

“Mahirap magsalita ng magsalita eh. Depende sa kundisyon ng mga bata,” ani Barredo. “Pero ‘pag na-hold ni (pitcher) Antolihao, it only takes one run to win.”

Nabigo ang Tigresses sa Lady Falcons 5-3 sa Season 78 championship.

“Si (Adamson) coach Ana (Santiago), medyo ninenerbiyos ‘yan,” pahabol ni Barredo.

Live na mapapanood ang finals ng UAAP baseball at softball sa S+A HD, ang cable sports channel ng ABS-CBN.