Abu Sayyaf huwag hayaang sumuko

By

Dahil sa inihatid na ligalig ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa bansa kung saan pinakahuli ang paglusob at pakikipagsagupa sa tropa ng gobyerno sa Bohol ay hayagang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang hayaang mabuhay ang mga ito.

“And I told the Navy if you see them (ASG), the boat, blast them off,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa grand lauch ng Cine Lokal sa SM Mall of Asia sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Nagbigay rin ng direktiba si Pangulong Duterte sa tropa ng gobyernong mapapaengkwentro sa ­rebeldeng grupo na huwag pasukuin ang mga ito.

“If there’s a fight and they surrender, you refuse, you decline the offer of surrender.

Let’s continue fighting eventually they will run out of bullets. I have plenty of soldiers to spare. I have a stock of… I have ­acquired. Meron na tayo,” pagbibida pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi na dapat pang mahuli at ikulong ang mga Abu Sayyaf.

“Do not give me prisoners. I don’t need them,” ­giit pa ng Pangulo.

Naniniwala ang Pangulo na kaya sumalakay sa Bohol ang Abu Sayyaf ay dahil sa planong pagdukot.


  • Alonzo mendez

    Pangulong du30,..kung anong sinasabi mo ngayon or kung ano mang binibitawan mong salita ngayon kailangan na walang bawian at patutunayan mo. Hindi yung.sa sunod na araw bawiin mo na naman ang sinasabi mo.ako sang ayon talaga ako sa sinabi mo ngayon.

    • sukdulan

      Ako din agree sa sinabi ni Duterte pero nalilito na rin ako kasi galit na galit sa Abu Sayaff tapos biglang sasabihin hindi mamamatay tao ang mga Abu Sayaff. Ano kaya ang totoo sa sinasabi niya . 🙁

      • Boy Barungka

        hindi naten arok ang nasa utak ng presidente, malalim yan. relak lang kayo mga kababayan…mind game. kung hanggang matapos ang termino nya at may abusayad pa din tyaka lang ako magduda…pero nagtatrabaho pa lang sya bigyan naten time.

      • semandaragat

        Bakit nasa talampakan ba utak nya?