About us


Ngayon ay natamo ng TONITE, isang pahayagang nasusulat sa Pilipino, ang pinakamalaking sirkulasyong hindi pa nararating ng alinmang pahayagan sa Pilipinas, ito man ay nasusulat sa Pilipino o Ingles.

Nilalathala ng Monica Publishing Corporation (MPC), ang TONITE ay lumalabas pitong araw sa isang linggo. Isinilang ito noong 1988 at sa maikling panahon ay naestablisa nito ang sariling mambabasa sa merkado ng panghapong pahayagan.

Pangunahing layunin ng TONITE na mapaglingkuran ang sambayanang Filipino — sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng daigdig sa pamamagitan ng paglikha, pangangalap at pamamahagi ng mataas na uri ng mga balita, impormasyon at libangan sa papel. At ngayon ay sa internet.

Umaasa kaming magiging kapaki-pakinabang sa inyo ang site na ito. Para sa inyong mga katanungan at komento, mangyaring ipadala lamang sa aming e-mail address na tonite@abante-tonite.com. O isulat sa aming office address.

President: Renato M. Marfil
General Manager: Gil C. Cabacungan Jr.

Board of Editors:
Jeane Lacorte
Jose Randy Hagos
Elvira Altez
Fernando Jadulco
Sports: Vladimir Eduarte
Showbiz: Dondon Sermino
Online: Dindo Matining

Production: Elmer Santos
Circulation: Allyson Mallen Jr.
Advertising: Teresa S. Escuadro