8th Le Tour de Filipinas papadyak bukas

By
103

Balik ang bansa sa world cycling map bukas sa pag-flag off ng pangwalong edisyon ng Le Tour de Filipinas sa Legaspi City sa Albay hanggang Sorsogon sa Bicol.

Ang LTdF ang tanging International Cycling Union (UCI) road race sa bansa at nagsisilbing kick off race para sa 2017 Asia Tour season.

Kaya pinahalagahan ni Cavite 7th Dist. Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, pangulo ng national­ sports association ng sport, PhilCycling (Integra­ted Cycling Federation of the Philippines), ang kaha­lagahan ng bikathon na binabalangkas ng Ube Media, Inc. at presentado ng Air21.

“Again it is an honor for the country through the Le Tour de Filipinas to host this annual UCI-sanctioned race participated by international cyclists,” pahayag kahapon ni Tolentino. “The race not only tests our Filipino riders but to watch the skills of the foreign cyclists and to promote tourism.”

Ang kasalukuyang taon ang nagmamarka rin sa pangalawang dekada sa bansa sa pagtataguyod ng first UCI race noong 1996 nang kilala pa ang local multi-stage road race na Marlboro Tour. Wagi si Victor Espiritu sa foreign team-laced race bilang amateur saka si Hong Kong star Wong Kam Po nang sumunod na taon.

Tinawag na Centennial Tour, bilang pagdiriwang sa ika-100 taong Independence Day noong 1998, si Warren Davadilla nakadale ng championship trophy. Pero iyon na ang pinakahuling panahon ng Marlboro Tour dahil sa pinatupad na anti-tobacco laws sa sports at iba pang advertising platforms.

Narito na lahat ang mga teams para sa karera na ang mga principal sponsors ay ang Petron at UPS at ang Philippine Airlines ang official airline partner sa Legaspi City kung saan nagwa-warm up ang 75 cyclists sa Albay capital roads sa may harapan ng Mayon Volcano.

Ipa-flag off ng alas-otso ng umaga ang mga siklista nina Ube Media, Inc. President Donna May Lina, Legaspi City Mayor Noel Rosal, Albay Governor Al Francis Bichara at PhilCycling Chairman Bert Lina para sa 164.49-km Legaspi City-Sorsogon Stage One.

Tatahak ang Stage Two ng event na mga binabak-apan ng Advanced Solutions Inc., Cargohaus Inc., CCN Sports Philippines, IWMI, NMM Customs Broker, Phenom Sportswear, UFL Philippines at WARM, sa 177.35 kms mula Sorsogon pa-Daet habang ang krusyal na Stage Three sa Lunes na 177.35 kms ay Sorsogon-Naga City.

Ititiklop ng 15 teams – 13 foreign at two locals — ang kampanya sa mahabang 210-km northward Stage Four buhat sa Daet pa-Lucena City.

Babalikat ang Philippine National Team at 7 Ele­ven Roadbike Philippines sa local challenge kontra sa foreign squads Kinan Cycling Team-Japan, Team Ukyo-Japan, Bridgestone Anchor Cycling Team-Japan, Terengganu Cycling Team-Malaysia, LX Pro Cycling Team-South Korea, Uzbekistan National Team, CCN Cycling Team-Laos, Keyi Look Sport Cycling Team-China, United Arab Emirates National Team, Attaque Team Gusto-Chinese Taipei, Kuwait Cartucho.ES at Sapura Cycling Team-Malaysia.